Chapter XLV

4.6K 188 23
                                    



*Reggo









"Ahh... gusto mong magbihis muna?" medyo awkward na suggestion ni Tim.





Napatingingin naman ako sa uniform ko.




Argh. Napatingin na lang ako sa itaas at saka napabuntong-hininga. Bakit ba hindi ko napansing madumi nga pala 'yung uniform ko?





"You know what... I have extra T-shirt here..." sabi niya habang hinahalungkat 'yung bag niya. "...Teka, saan ko ba nailagay 'yu... 'yun! Heto! Mukha namang kasya sa'yo eh." saka niya iniabot sa akin 'yung t-shirt. For a second, tiningan ko lang muna 'yung t-shirt niya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Tatanggapin ko ba o bibili na lang akong bago? Nagmamagandang loob lang naman 'yung tao, oo, kaso nakakahiya naman kasi mamamantsahan pa 'yung damit niya. Branded pa naman. "Haaa. Don't worry. Hindi ko pa naman 'to nagagamit tsaka isa pa.." inilapit niya 'yung damit sa mukha niya at inamoy. "...hindi naman 'to mabaho."




"Ahh... hindi. Hindi naman sa ganun. Ang sa akin lang kasi ano, baka nakakahiya lang kasi alam mo na... 'yung t-shirt mo mukhang mamahalin tapos madudumihan ko lang. 'Wag na lang. Nakita na naman nila akong madumi eh kaya ok lang." sabi ko habang iniiling-iling ko pa 'yung dalawang kamay ko.





Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin 'yung dalawa kong kamay at saka ito hinawakan ng mahigpit. Lumapit siya sa akin ng bahagya at saka tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa tingin niya pero alam ko na may kakaiba dun. Hindi lang 'yun basta tingin ng isang kabigan concern dahil madumi 'yung suot ng kaibigan niya.





"Sige na. Ok lang naman sa'kin eh."





Sa huli, kahit anong pagtanggi ko, siya pa rin 'yung nanalo. Noong tiningnan ko 'yung damit sa Cr habang suot ko, ok naman. Bagay naman sa'kin. Kahit medyo maluwang ng kaunti kasi medyo may kalakihan 'yung katawan niya kesa sa akin, ok lang. Kaya ko namang dalhin.





Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon