Chapter XXIV

7.6K 207 27
                                    

Note: Pasensya na kung natagalan. Masyadong nawili sa mga parties and gatherings eh. :) Anyway, MERRY CHRISTMAS! Christmas gift ko sa inyo :)

Nixon sa Multimedia section. 

* Reggo

Ilang araw na simula ng parang nag-iba 'yung pakikitungo sa akin ni Nixon. Nagkaiba in a sense of parang palagi siyang may importanteng pinupuntahan, mas importante pa kaysa sa akin. Parang pakiramdam ko ang dami-dami niyang mga bagay na isinisekreto sa akin ngayon na dati rati ay hindi niya ginagawa. Oo, nakakabahala. Pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda. Ayoko na ulit kasing maramdaman 'yung pakiramdam ng iniiwan. 

" Uy, ok ka lang ba? " tanong sa akin ni Gray.

Si Gray na lang palagi 'yung kasama ko sa halos buong maghapon magmula ng matapos 'yung ball namin. Palagi na lang akong inihahabilin ni Nixon sa kanya. Si Gray naman, tanggap lang ng tanggap. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya para makasama. Ang akin lang, bakit ganun? Pakiramdam ko palagi na lang niya akong naisasantabi.

" Ok lang ako. " matamlay kong sagot.

Umupo siya sa tabi ko at nagpunas ng pawis. Naglalaro kasi siya ng basketball. 

" Hindi ka ok eh. Kanina pa kita napapansing palaging wala sa sarili. " tugon niya. Napabuntong hininga na lang ako. " So... ano nga? Anong atin? " 

" Wala nga. Kulit mo naman eh. "

" Is it Nixon? Namimiss mo na ba siya? Naboboring ka na bang kasama ako? " tiningnan ko 'yung mukha niya. Pinipilit niyang maging normal lahat, 'yung pag-uusap namin. Kaso, kung titingnan mo 'yung mata niya, doon mo makikita na para siyang sinusuntok sa mga sinasabi niya. Nasasaktan siya. Nasasaktan ko siya. 

" Tara? Hatid na kita sa kanya. " tsaka siya tumayo at hindi man lang ako hinintay. Gusto ko sanang magpaliwanag. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman iyon ang ibig kong sabihin kaso wala na. Huli na. Ang tanga ko! 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon