Chapter X

10.1K 245 41
                                    

Note: Seryoso, wala talagang magandang pumapasok sa isip ko ngayon. Pinilit ko lang mag-update. Tapos hindi ko rin alam kung paano ko dudugtungan 'yung huling update. Aish. Paano ba 'to? -_- 

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100005191846337

* Gray

Habang nakaupo pa rin sa malawak na buhanginan, walang sawa ko pa ring tinitingnan si Reggo. Ewan ko ba. Hindi kasi siya nakakasawang tingnan para sa akin. Parang kahit anong gawin niya, ang ganda sa paningin ko. Lalo na kapag ngumingiti siya, unconsciously, napapangiti na rin ako. Sa dinami-dami ng nangyari sa buhay niya, hindi pa rin nawawala 'yung mga ngiting bumihag sa puso ko. Andoon pa rin. Tandang tanda ko pa noon kung paano siya magcomplain sa akin kasi ang panget daw ng tunog ng tawa niya. Pakiramdam daw niya, mukha siyang kabayo. Pero para sa akin, 'yung tawa niya yata ang pinakamagandang tawa na nakinig ko sa buong buhay ko. Seryoso. Iba 'yung feeling eh. Lalo na kapag ang dahilan nung pagtawa niya eh ako? Kahit magmukha akong tanga, ayos lang. Basta ba'y napapasaya ko siya. 

Pero ngayon, talagang nagsisink-in na baliktad na 'yung sitwasyon. Dati, ako 'yung gumagawa sa kanya niyan. Ako 'yung nagpapatawa sa kanya, ako 'yung nangungulit, ako 'yung nagpapasaya. Ako 'yung nagmamahal sa kanya. Kung tatanungin niyo ako kung gusto ko ulit gawin 'yun sa kanya, oo ang isasagot ko. Kahit habangbuhay yata hindi ako magsasawang gawin 'yun. Pero sa tuwing iniisip ko 'yun, 'yung mga salitang 'hindi na pwede kasi galit siya sa akin', 'hindi na pwede kasi niloko ko siya' at 'hindi na pwede kasi may iba na siya'... 'yang mga salitang 'yan ang pumipigil sa akin.  

Kung hindi ko kaya siya ginag*? Kami pa rin kaya? Ganyan rin kaya kami kasaya? O baka mas masaya pa kami diyan? Siguro mas gaganahan akong gumising araw-araw. Siguro Dean's lister ako kasi siya 'yung gagawin kong inspirasyon sa pag-aaral ko. Siguro ako na 'yung pinakamasayang tao sa buong mundo. Ang daming siguro. Ang dami ko sanang plano. Kaso lahat ng 'yon, nasira noong nagloko ako. 

Nakita kong lumalakad palayo si Nixon kay Reggo. Anong nangyari? Si Reggo naman, tumigil lang sa isang parte ng tubig at parang nililibang 'yung sarili. Noong napadaan sa may parte ko si Nixon itinanong ko kung bakit niya iniwan doon 'yung taong mahal ko... este si Reggo. Ang sabi niya, may checheckin lang daw siya sa kwarto nila. Tumango na lamang ako. 

" Bae... chippypie. Dito ka kaya sa tabi ko. Mag-isa ka lang jan eh. " bulong ko sa sarili ko.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon