Chapter XXI

6.1K 195 29
                                    

Note: Talo USTe ko against La Salle kanina. :( Pero ok lang din, atleast hindi sila tambak. Close fight nga eh. Medyo bumitaw na lang talaga sila noong huli. Kayo ba? Nanunuod ba kayong UAAP Season 77 Women's/Men's Volleyball? What team are you rooting for?

* Gray

" Sir, may tao po sa labas. Hinahanap po kayo. " 

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko doon sa kasambahay namin. Papasukin ko ba o hindi? Gustong gusto ko siyang papasukin dahil ito na lang ulit 'yung pagkakataon na papasok siya sa bahay namin ng kaming dalawa lang. Ngayon na lang 'to mauulit. Isa pa, masosolo ko siya kasi mukhang hindi niya yata kasama 'yung boyfriend niya. Pero, parang wala naman akong mukhang ihaharap sa kanya. Malakas kasi ang kutob ko na 'yung sasabihin niya ay 'yung tungkol doon sa kalokohang ginawa ko sa CR ng Fifth floor. 

* Flashback...

" Graaaay. " 

" P#+@*^ ~$@! Ano ba? Papatayin mo ba ako sa takot? Tsaka bakit ka nandito? Namali ka ba ng pasok? Cr 'to ng lalaki. " habang sinasabi ko iyon ay unti-unti siyang lumapit sa akin suot 'yung mga mapang-akit na titig. Ako nama'y dahan-dahang napapaatras. 

" Oy. Tumigil ka. Bawal ka dito... ano ba! " pero narating ko na 'yung pinakang-corner ng restroom na 'to. 

" I know you want it. Come'on, baby. " malandi niyang sabi.

Siya si Kara. Siya 'yung cheer leader ng PEP Squad ng school. Maganda siya. Maputi, sexy at matalino. Mataas ang tingin sa kanya ng mga tao dito sa University at inirerespeto siya maging ng mga kalalakihan dito. Maraming nagkakagusto sa babaeng 'to pero walang naglalakas loob na manligaw dahil nakakaintimidate nga daw. Pero hindi ko akalain na ang isang Kara ay may ganitong side na itinatago.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon