Not an Update II

3.2K 109 21
                                    

Good Morning :)


So ayun nga, nakapag-isip na ako at buo na 'yung desisyon ko. Ang daming kong pinagtanungan para lang mag-come up sa desisyon na 'to.


Itutuloy ko siya. Walang mababago. Hindi ko na paiikliin. Basta kung ano 'yung plot dati, dun pa rin ako. Mag-stick ako dun sa plot. Kung sa tingin niyo po ay boring na, cliche, hindi na magandang basahin ay ok lang po. Hindi ko naman kayo mapipilit na gustuhin 'yung sinusulat ko. Ang akin lang, ang gusto ko lang sundin ay 'yung gusto kong mangyari. Hindi ako nagsusulat to please others. Ang isinusulat ko ay'yung gusto ko, hindi 'yung gusto ng iba. Sabi nga ng professor ko sa Developmental Psychology "We should not live to please others". Siguro dito ko 'yun iaapply. Malaking challenge sa'kin 'yung mga constructive criticisms niyo and I'm glad to say na nakakatulong talaga siya sa'kin. Pero sa point na 'to, gusto kong bigyan ng chance 'yung idea ko. Kung hindi niyo magustuhan eh ok lang. Sa mga makaka-appreciate, maraming salamat.


Not to take anything away from my readers, kasi sa totoo lang, kayo naman 'yung isa sa dahilan kung bakit ako nakakapagsulat, pero this time 'yung instinct ko muna 'yung papakinggan ko. Kung hindi man maging successful at hindi niyo magustuhan, lesson learned. Sabi nga nung isang sikat na author dito sa wattpad, be strong enough to be unique. Kung anong gusto mo, 'yun ang gawin mo. Siguro part din ito ng buhay ng isang manunulat para mag-grow pa 'no? LOL.


Hindi naman sa hindi ako nakikinig sa mga comments and suggestions niyo. Nakikinig ako. Kaya nga nalilito ako kung itutuloy ko pa nung una diba? Gumawa lang ako ng desisyon na gusto ko. Kinonsidera ko 'yung opinions niyo kaso wala eh, matigas ulo ko. HAHAHA. Tsaka gaya nung pagkakasulat ko ng book 1 at 'yung earlier part ng book 2, tingin ko naman maitatawid ko siya. Bigyan niyo lang siguro ng chance.


Simula din ngayon, hindi na ako maglalagay ng Author's note. Kung maglalagay man ako, para sa mga importanteng bagay na lang siguro.


So ayun lang, back to normal na ulit 'yung updates ko. Wala ng magbabago. Sa mga makakasama ko hanggang sa huli, thank you ng marami. Sa mga hindi na, salamat! Salamat sa suporta! God Bless.


-ColdFire :)

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon