Chapter 38

7.3K 353 21
                                    

Chapter 38


-NAJI's POV-

Hindi ko magawang lumabas ng bahay. Pakiramdam ko, kapag lalabas ako ay may manghahagis sa 'kin ng itlog o kung anu-ano.

I couldn't help but feel sad everytime I read the comments about that article. Lumaganap na rin sa ibang sites ang tungkol doon. And the results? All negative.

Hindi lang ang privacy ko ang nasira sa article na 'yon. Okay lang sana kung ako lang, pero nasali na pati ang career ng SB19.

Maraming mga fans nila ang galit na ngayon dahil sa panlilinlang ni Jah sa kanila. Some of them left the fandom, may iba naman na naguguluhan pa at may iba rin na hindi naniwala. Pero mas higit ang mga naniwala at iniwan ang fandom.

Nasapo ko na lang ang noo ko.

Ano nang gagawin ko nito? Pati reputasyon nila nasira na. Kasalanan ko 'to, eh. Hindi na dapat ako pumayag pa sa gusto ni Jah in the first place kung alam ko lang na magiging ganito kalala ang magiging resulta.

But thinking about that, medyo kinurot ang puso ko. If I haven't met him in that place, if he haven't kissed me to save himself that day, and if I didn't agreed to be his pretend girlfriend, I wouldn't meet the most precious person in my life and I wouldn't experience being loved by a Justin De Dios.

I wanted to be selfish. Gusto kong umalis kaming dalawa at magpakalayo-layo. But I don't want him to leave his friends and his career. He loved them first before me.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Ilang segundo lang, bumukas iyon at sumungaw si Kuya.

“Okay ka lang?” he asked.

I smiled bitterly.

I am not okay. I am definitely not.

Tumango ako. “Oo, okay lang ako.”

Sumimangot siya. Tuluyan na siyang pumasok. May hawak siyang tray na may lamang isang bowl ng repolyo at may mayonnaise pa.

“Wag ka ngang magsinungaling sa 'kin.” Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin. Umupo siya sa dulo ng kama 'tsaka nilapag ang dala sa harapan ko. “Oh, kainin mo 'yan?”

Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatitig sa gulay. Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin. “May nabasa ako na nagre-reduce ng hormones na nagpapalungkot sa tao ang repolyo kaya kainin mo 'yan,” he answered to my silent question.

What he said made me chuckle.

“Saan mo naman nakuha 'yan? Sure ka ba?” I asked while laughing a bit.

Umirap siya 'tsaka tumayo. “Basta! Kainin mo na lang 'yan. Bahala ka na!”

Natatawang napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang tinalikuran niya ako at nagmartsa palabas ng kwarto ko. Napailing ako, pikon talaga siya kahit kailan.

Napayuko ako sa repolyo. The idea that he searched up on the internet and tried to cheer me up in his own little way makes my heart happy.

Palagi kaming nag-aaway pero siya naman ang sobrang concern kapag may nangyari sa akin. He and Mama knows about what happened, kahit hindi ko na sabihin sa kanila ay malalaman naman nila dahil kumakalat na sa internet ang tungkol doon.

Kumuha ako ng isang dahon ng repolyo, sinawsaw sa mayonnaise 'tsaka sinubo. Nang naubos, kumuha ulit ako 'tsaka sinubo.

Napabuga ako ng hangin at napatigil nang mabigat pa rin ang pakiramdam ng dibdib ko.

“Hindi yata effective ang pa-repolyo mo, Kuya,” I muttered.

Bukas, New Year's Eve na. We have plans for tomorrow, pero naudlot dahil sa nangyayari ngayon. Imbes na doon ako kina Papa after dito sa bahay, hindi na ako makakalabas. It's not like I am guilty over it or what, pero ayoko lang ng gulo.

Napabaling ako sa cellphone kong nasa nightstand nang tumunog 'yon. Inabot ko kaagad 'tsaka tiningnan ang notification bar. May message ako galing kay Josh, binuksan ko kaagad 'yon.

From: Josh Cutie

We're taking actions. Don't worry :)

Don't stress yourself, just smile :D

Napangiti nga ako sa message niya na 'yon. I quickly typed a reply.

‘Hindi pwedeng di ako mag-aalala, I'm the cause of this problem at nadawit pa kayo. But thank you, josh :D’ Then I hit the send button.

May mga texts din akong natanggap mula sa mga kaibigan ko. All of them are trying to cheer me up. And I appreciate their effort.

Buong araw ay nasa bahay lang ako at nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyon ko. While wahing the dishes, while sweeping, while cleaning the house, while taking a bath, lahat na ginawa ko para lang ma-divert ang mga iniisip ko pero wala pa rin.

Gabi na. Nasa sala ako at nanunuod ng pang gabi na teleserye. Pero wala sa pinapanuod ang buong atensyon ko dahil ang dami kong iniisip.

I thought of a solution, but I don't think I could do it. Hindi ko alam kung makakaya ko bang gawin 'yon kahit pa para sa ikabubuti 'yon ng lahat. But I just do hope I'll be given courage to do this. And I'll be doing it tomorrow.

Tinawag na ako ni Mama para mag dinner. Tumayo kaagad ako at sumabay na sa kanilang kumain. Pero wala akong masyadong gana ngayon dahil maramint bagay ang bumabagabag sa akin.

I just hope I'll have my peace of mind after I'll do what is right tommorow. I'll clear things to them.

Nang nasa kwarto ko na ako, nakaharap lang ako sa cellphone ko habang nakaupo sa Kama. I wanted to compose a message, but my hands wouldn't move. My parte sa akin na ayaw ito, pero ito lang ang makakapagpabuti sa lahat.

I heaved a sigh, composed myself, before I typed a message to him.

To: Jah❤

9PM tomorrow, at the park

I want to tell you something

Nanginginig pa ang mga kamay kong pinindot ang send button. At nang naisend na nga, napapikit ako at ibinagsak ang katawan sa kama.

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now