Chapter 09

14.7K 675 60
                                    

CHAPTER 09.

NANG MAKARATING AKO sa bahay, dahan-dahan lang ang paglalakad ko para hindi mapansin nina Mama. Sobrang dumi ko at ang baho pa. Ayokong makita nilang nasa ganitong kalagayan ako.

"Mama! Wala naman dito 'yong balde--"

Paakyat na ako no'n ng hagdan, pero naka-isang hakbang pa lang ako ay napahinto ako dahil biglang lumabas si Kuya mula sa C.R. na nasa gilid ng hagdanan.

Nagkatitigan kami ni Kuya at parehong gulat. Nakahawak ako sa rails habang si Kuya naman ay may hawak na itim na balde. Kasabay ng pagkalaglag ng kaniyang panga ay ang pagkalaglag din ng balde na hawak niya.

"Naji!" Kaagad siyang lumapit sa akin. Napakurap ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inangat ang mukha ko paharap sa kaniya. "Anong nangyari sa'yo? Bakit... bakit ang dumi-dumi mo? At ang baho-baho mo pa!"

Napasimangot ako. Tinabig ko ang kaniyang mga kamay. "Don't state what's obvious, Kuya. Nagmumukha kang tanga!"

"Naji!" He said with a warning tone. "Wala akong panahon para makipagbangayan sa 'yo. Seryoso ako, anong nangyari sa 'yo, ha?"

Napatitig ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Sanay ako sa Kuya ko na kabardagulan ko lang palagi. Pero kahit araw-araw kaming nag-aaway, magkapatid pa rin naman kami at concerned siya palagi kapag may nangyayari sa 'kin.

Bumuntonghininga ako. "Wala 'to, Kuya. May aksidente kasing nangyari habang naglalakad ako. Sa 'kin tumilapon ang mga paninda."

Sa paraan ng pagkunot ng noo niya, alam kong ayaw niya akong paniwalaan. "Naji--"

"Kuya," may pinalidad na sabi ko. Ngumiti lang ako sa kaniya para ipakita sa kaniyang okay lang ako at hindi niya na kailangang mag-alala pa.

Defeated, he sighed. He stepped back, kaya pumanik na ako papunta sa kwarto ko. Naligo na ako at nagbihis na. Nahirapan pa ako sa buhok ko dahil natuyo na ang mga itlog at harina. While blow-drying my hair, binuksan ko ang FB account ko. A message popped on my screen. Galing sa group chat namin ng mga kaibigan ko.

Jennie:

Worried na ako...

Jisoo:

Puntahan na ba natin sa bahay nila?

Lisa:

Anyare ba? Outdated ako :<

Rose:

Hintayin na lang natin mag-online siya.

Ayan na siyaaaa Najiii

Me:

Bakit? Anong meron?

Hindi sila nag-reply. Mga feeling famous dahil sineen lang ako. Napasimangot ako. Magtitipa na sana ako ng rant para sa kanila nang may link na sinend si Jennie.

Jennie:

Read that post. Galing sa page na minamanage ng schoolmates natin.

Read it, please. And tell us if you're okay. Nag-aalala na kami, Naji...

I clicked the link she sent. It's posted in a page named ATIN STATE UNIVERSITY SHOUTOUT at kahit ilang words pa lang ang nababasa ko, napasimangot na lang ako.

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now