Chapter 37

7.2K 360 15
                                    

Chapter 37


JUSTIN's POV

Kakatapos lang namin mag-shoot para sa bagong music video na, probably, next month ilalabas sa comeback namin.

Pinupunasan ko ang pawis ko gamit ang towel na binigay sa akin ng PA namin kanina. Umupo ako sa sofa 'tsaka tiningnan ang apat na kinakausap si Manager Anne.

I've been busy these days. And yeah, I missed Naji.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag ko rito sa sofa kasabay ng bottled water na bukas na. Uminom ako sa tubig habang binubuksan ang phone ko. Napahinto ako nang makita sa notification bar na may more than 10 missed  calls ako galing kay Naji.

She called? Hindi ko narinig. Malayo and bag ko mula sa shoot area.

Binaba ko ang bottled water sa maliit na pabilog na lamesa. I tried dialing Naji. Few rings, hindi niya sinagot. I tried again, pero naka-off daw ang cellphone niya. Minessage ko na lang siya.

To: Najibabe

Call me when you see this.

Saktong katatapos ko lang pindutin ang send ay saka naman dumating si Josh at umupo sa tabi ko.

“Naji?” he asked when he got a peek from my phone.

Napabaling ako sa kaniya at sinamaan kaagad siya ng tingin. Tumawa siya sa reaction ko.

“Kalma, wala akong planong mang-agaw,” aniya. “I'm here to show you something. Just promise me you won't freak out or something.”

Napairap ako. “Just show it to me.”

Napailing siya bago niya nilabas ang cellphone niya. Ilang segundo lang ay binigay niya sa akin 'yon.

“Read that,” aniya.

Binasa ko talaga. And as I proceed to each word from the article, unti-unting kumulo ang dugo ko. I greeted my teeth, my grip on the phone tightened hanggang sa umabot ako sa pinakadulo ng article.

“Sa tingin mo... sino may gawa n'yan?” he asked but I know he knows who I am thinking.

I hissed a curse. Naitapon ko ang cellphone niya sa sofa bago ako tumayo. I was about to walk out pero hinawakan ni Josh ang braso ko.

“Wait, don't go...” he said. “Wag kang padalos-dalos. Paano kung hindi pala siya ang may gawa nito?”

I glared at him. “Sa tingin mo, sino pa ba? Siya lang naman ang may galit sa amin ni Naji!”

I shrugged his hand off bago ako tuluyang umalis. Tinawag ako ng ilang staff at ni Manager Anne pero buo na ang desisyon ko.

While walking, d-in-ial ko ang number ni Sharlene. Wala pang ilang minuto ay sinagot niya kaagad.

“Jah, babe? Oh my God, you called!” masaya niyang bungad. “It's been so long since you last called, babe. What do you—”

“Nasaan ka?” I cut her off.

“I'm at this cafe near your company building! I'll text you—”

Pinatay ko na kaagad ang tawag. Habang nasa elevator ako, natanggap ko ang text niya. It's the address on where she is now.

Pagkarating ko sa parking area ay hinanap ko kaagad ang company car na pwede ko magamit at pagkatapos ay tumulak na ako.

I stepped on the gas para mapabilis ang takbo. I'm so mad and I want to rip her off to pieces! Alam kong siya ang may gawa nito. She even has the video!

Pagkarating ko sa cafe ay diretso akong pumasok. Hindi ko na pinansin pa ang staff na bumati sa akin. Hinanap ko kaagad siya.

Napatingin ako sa kaniya nang mag-angat siya ng kamay at kumaway while sipping her coffee.

“Here, babe!” she shouted.

Naikuyom ko ang mga kamay ko nang makita ang kaniyang mukha na masaya pa. May gana pa siyang ngumiti, huh.

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kaniya.

“Hey, babe,” bati niya habang papalapit ako. “Have a seat—”

I immediately grabbed her arm nang makalapit ako 'tsaka bahagya siyang inangat para malapit sa akin. Ngumiwi kaagad siya dahil sa pagkakahigpit ng hawak ko.

“B-Babe...”

“Stop calling me that,” I hissed. “Ang kapal naman talaga ng mukha mo, 'no?”

Hinawakan niya ang kamay kong nasa braso niya, sinusubukang tanggalin iyon.

“W-what are you talking about? Jah, let me go, nasasaktan ako—”

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa braso niya. She groaned in pain.

“Huwag ka nang magmaang-maangan pa. I know you're the one behind it!” Tumaas ang boses ko.

Nasa amin na ang atensyon ng mga nandito sa loob ng cafe.

“Behind what? I don't understand what you're saying!”

“The article!” I said with greeted teeth. “Hindi ka na ba titigil? Hinahayaan na nga kita para wala nang gulo 'tapos ito? Naglalabas ka ng walang kwentang article para lang siraan kami ni Naji? Ha?!”

“Let me go!” Malakas na inalis niya ang kamay ko sa braso niya at nagtagumpay siya. She glared at me. “I don't know what you're talking about. Wala akong alam sa article na sinasabi mo! I am not that immature to spread a useless article just to get you back. I can do it even without that article!”

“Shut up!” I glared at her. “You will never have me back. You just proved to me how disgusting you are...”

Pain crossed her eyes. “B-Babe—”

“I said stop calling me that!” I growled. “Isa lang ang pwede tumawag sa akin n'yan, at hindi ikaw 'yon.”

She sarcastically laughed. “Really? Gano'n mo ba talaga kagusto ang walang kwentang babaeng 'yon?”

“Oo,” sagot ko kaagad. “At kapag may nangyaring masama sa walang kwentang babaeng 'yon dahil sa mga pinaggagawa mo, mapapatay kita.”

“Oo! Galit ako sa babaeng 'yon but I won't stoop down that low to just get rid of her!” nanggigigil niyang sigaw. “Jah, believe me. Hindi ako ang may gawa no'n!”

Hinawakan niya ang kamay ko pero kaagad kong tinabig. “Let go of me. You're disgusting!”

Tinalikuran ko siya at nagmartsa na ako palabas. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero wala na akong pakialam sa kaniya.

All I care about now is Naji... how she's doing now, and what she's doing. I hope she's okay. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong hindi siya maayos.

***

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon