Chapter 21

11.3K 601 174
                                    

Chapter 21

"I want you to be my girlfriend for real, Naji."

E-Eh?

I can't fully digest in my head what he just said. Like... how? Paano niya ako naging mahal? At sa loob lang ng dalawang buwan? I really can't figure out why. Pero nakikita kong sincere naman siya sa. sinasabi niya. I can't just say he's lying because it's clear in his eyes that he is not lying.

Nahihirapan ako. Physically and emotionally. Nahihirapan akong huminga dahil sa mabilis na tibok ng puso ko, naninikip ang dibdib ko. And I am a bit... confused. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ko. I can be easily attached to people especially kapag nakakasama ko palagi. I can't mistook that as the same feelings as he feel... o baka nasanay lang din siya na nakakasama niya ako palagi kaya nasasabi niyang mahal niya ako kahit hindi naman.

I don't have trust issues. It's just that... napabuga ako ng hangin.

"Jah--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may naramdaman ako sa paa ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang gumapang 'yon papunta sa binti ko at hita. "J-J-J-Jah... Jah!"

Nagsalubong ang mga kilay niya sa inasta ko. "Bakit? And why are you trembling? Takot ka ba na kung papayag ka sa gusto ko, iiwan kita kalaunan? No, I won't do that--"

"Justin!" Sigaw ko na dahil umabot na sa pwetan ko at diretso sa likuran ang gumapang. I can't tell him directly, my mind is in chaos because of both fear and nervousness.

"What? Galit ka na ngayon?"

Inangat ko ang nanginginig kong kamay at tinuro ang likuran ko. Parang maiihi na ako dahil sa sobrang kaba habang dinadama ang marahang paggapang ng bagay na 'yon sa likuran ko.

"T-t-there's s-something crawling o-on my b-back," hinihingal na sabi ko.

Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago ako hinila at tiningnan Ang likuran ko.

"Oh, shit! Ahas!" sigaw niya.

And all hell broke loose dahil sumigaw na ako at tumakbo habang nagtatalon na para bang sa paraang 'yon ay maaalis sa likod ko ang ahas. Pakiramdam ko ay nabulabog ko ang lahat ng mga natutulog na hayop dito sa gubat dahil sa pagsisigaw ko pero wala na akong pakialam. Gusto ko nang matanggal ang ahas sa likod ko!

"Naji, calm down!" si Justin habang hinahabol ako. "Stop running. Aalisin ko ang ahas. Stop running around!"

"Get it off! Get it off!" paulit-ulit na sabi ko habang tumatakbo papalapit sa kaniya. Tumalikod kaagad ako nang nasa harapan niya na ako. "Shit! Hurry up, please!"

"D-don't move, okay?" aniya.

Tumango naman kaagad ako. Hindi ko na magawang punasan ang mukha ko na basang-basa na dahil sa luha. Parang akong batang takot na takot habang umiiyak. Ahas na 'yan, eh!

He used a stick to get the snake from my back. Nang naalis na, nabunutan ako ng tinik. Tinapon niya ang stick na ginamit 'tsaka hinawakan ang kamay ko at hinila na ako paalis do'n.

"I shouldn't have joked about the snake. Nagkatotoo tuloy," aniya habang tumatawa.

Hinampas ko na lang ang kaniyang braso dahil may trauma pa ako sa ahas na gumapang sa'kin.

Pagkarating namin sa kotse, pinaupo niya ako sa passenger's seat at nakabukas lang ang pinto. Nakaharap ako sa labas habang nakasandal at nakatulala.

Mula sa likuran ng kotse, lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko sabay abot ng mineral water. Tinanggap ko naman agad at ininom.

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now