Chapter 28

9K 426 62
                                    

Chapter 28


Sobrang bilis ng panahon. Sa sobrang busy ko sa aking buhay, hindi ko na namalayan ang pagdaan ng Nobyembre at ang pagpasok ng Disyembre. Lumalamig na ang hangin tuwing gabi at nagsisimula nang magkabit ng mga Christmas lights at trees ang mga kapitbahay namin. Si Mama naman ay bumibili na ng mga gamit at panghanda sa pasko.

It's been almost three weeks that I haven't seen Jah. Simula noong araw na sinabi niyang girlfriend niya na ako, hindi siya nagpakita. I felt so upset, but I tried to understand him. He's an idol, he's busier than I am. Pero sa tuwing naiinis ako sa kaniya dahil hindi siya nagpapakita sa akin sa loob ng halos tatlong linggo, nagp-pop naman sa screen ng phone ko ang mga messages niya at automatic na natutunaw ang galit ko at napapangiti na lang.

Nasa kwarto ko ako ngayon, nakaupo sa study table kaharap ang bintana, at tinatapos ang ikatlong chapter ng research namin na bukas ang deadline. Napahinto ako sa pagtipa sa laptop, at napaangat ng tingin sa labas. Alas sais y media na ng gabi at umiilaw na ang Christmas lights ng kapitbahay. Napangiti na lang ako.

My phone suddenly beeped and vibrated, kaya napatingin ako ro'n. When it lit up and showed the notification, napangiti ako at kaagad na kinuha ang phone ko.

From: Jah

Good evening, my babe❤ How are you?

I was about to type my response, when he sent another message.

From: Jah

I'm sorry kung hindi tayo nagkikita.

From: Jah

I'm your boyfriend yet I am not around :( </3

Napatawa ako. “What's with the emoticons.” I continued scrolling to his series of text messages.

From: Jah

Please do bear with your handsome and famous boyfriend :(

From: Jah

Medyo busy ako ngayon dahil ako ang pinipili sa lima sa mga endorsement kasi mas gwapo ako :(

Napailing ako sa message na 'to.

From: Jah

Don't worry, patapos na ang schedule namin. We're having a Christmas and New years break!

From: Jah

I'll come to you without notice. So be ready anytime, I might jump at you and bite you 😋

Napailing ako. “He's unbelievable.”

To: Jah

Gagi ka

Wala na siyang message after ko mag-reply. I stared at his last message and suddenly smiled. “I'll be waiting, then.”

Ilang segundo pa akong nakatitig sa huling mensahe niya bago ko binalik ang cellphone ko sa tabi ng laptop at nagpatuloy sa pagtitipa ro'n.

“Naji!” I heard Mama from downstairs. “Naji! Punta ka muna rito, may bisita ka!”

Napairap ako. “Busy ako, Ma!”

“Si Jah, nandito!”

Nanlaki ang mga mata ko. “Hala!” Napatayo ako at umikot para sana dumiretso sa tukador pero tumama ang tuhod ko sa kanto ng upuan at natumba 'yon. Napangiwi ako at namilipit sa sakit, pero kahit iika-ika ay tumakbo pa rin ako papuntang tukador.

Exclusively Dating The Idol | ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن