Chapter 43

7.8K 395 31
                                    

Chapter 43


A beeping sound woke my senses.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maputing kisame kung saan may bentelador na nakasabit at marahang umiikot. Sobrang lamig din ng paligid ko. Nakahiga ako sa isang malambot na kama.

Inikot ko ng marahan ang mga mata para tingnan ang paligid. May mga medical stuffs sa magkabilang gilid ko kagaya ng IV fluid na naka-inject papunta sa kamay ko, ang monitor na nagpapakita ng vital signs ko, at ang nakakairitang tube na nakakonekta nasa bibig at ilong ko.

Nararamdaman ko ang bandage sa ulo ko. Pumikit ako nang maramdaman ang marahang pagkirot ng gilid na bahagi ng ulo ko.

Hospital... paano ako napunta rito?

Napamulat ako ng mga mata ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto na sinabayan ng mga yabag at tawanan ng mga pamilyar na tao. Iginalaw ko ang mga mata ko at hinanap sila.

“Gago, ang sakit ng tiyan ko. Panis yata 'yong fried chicken nila!”

“Eh ba't mo kinain kung panis naman pala? Tanga ka rin, eh.”

“Sabi sa'yo do'n na lang tayo sa may tapsihan, eh.”

“Ang liit kaya ng itlog do'n! Mas malaki pa itong akin.”

“Gago! Patingin nga?”

Lumitaw sa paningin ko ang apat na pamilyar na tao. Nang napaangat ng tingin sa akin si Sejun, natigilan kaagad siya at namilog ang mga mata. Nabitawan niya ang dalang puting plastic, dahilan para magulat ang mga kasama.

“Gago, ba't mo binitawan! Mababasag 'yong Gatorade ko!” Pinulot ni Stell ang plastic.

Dahil sa pagkagulat ni Sejun ay napatingin na rin sa akin si Josh, hanggang sa silang apat na ang nakatingin sa akin habang nakaawang ang mga labi at namimilog ang mga mata.

Gusto kong tumawa pero sagabal ang tube na nasa bibig ko. Kahit nahihirapan at halos wala ng lakas, pinilit kong iangat ang kanang kamay ko para kumaway sa kanila.

“Shit!” Si Sejun ang naunang naka-recover sa pagkagulat. “Gising na siya!”

“Tumawag kayo ng nurse o doctor, dali!” utos ni Josh sa kanila at kaagad silang nagtakbuhan.

Mabilis na lumapit sa akin si Josh at hinawakan ang kamay ko. Umupo siya sa gilid ko. Halata sa mukha niya ang tuwa at pag-aalala.

“Naji,” aniya. “Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Wala na bang masakit sa'yo?”

Mahina akong natawa. Umiling ako ng marahang bilang sagot.

Huminga siya ng maluwag. “Salamat naman at nagising ka na. Akala ko hindi ka na gigising, eh.”

Hindi ko siya mamura kaya kinurot ko na lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Bahagya siyang ngumiwi sa sakit bago ngumisi.

--

Nang dumating ang doctor at nurse, chineck nila ang kalagayan ko. Okay na raw ako kaya tinanggal na ang tube na nasa bibig ko at ang iba pang nakakabit sa akin bukod sa IV. Habang ginagawa 'yon ng doctor, nakaabang lang ang apat sa labas ng ICU at tinitingnan ako.

Nang natapos na ang doctor at nurse sa ginagawa, lumabas na sila at kinausap ang apat. I think sinabihan sila tungkol sa kalagayan ko at kung kailan ako makalalabas dito. Naririnig ko sila ng kaunti.

Nang iniwan na sila ng doctor, nagsipasok kaagad sila. Umupo sa gilid ng kama ko si Sejun.

“Ayos ka lang ba?” tanong niya kaagad. “Hindi na ba masakit any ulo mo?”

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon