Chapter 04

23.1K 921 155
                                    

CHAPTER 04.

“WOW! LEGIT NGA 'to!” Inangat ni Lisa sa ere ang gift certificate. Nasa tabi niya si Jisoo na manghang tinitingnan din ang certificate. “Ano namang pwede mong gawin dito?”

Kakatapos lang ng first period namin sa araw na ito. Nasa library lang kami ngayon habang hinihintay pa ang kasunod naming klase, na mamaya pang alas dos ng hapon.

Hindi ako mapakali, kaya kinwento ko na sa kanila ang tungkol sa deal namin ni Justin. Nabanggit din naman kasi nila, dahil hindi nila nakalimutan ang agaw atensyon na entrance ni Justin dito kahapon.

“You can buy anything sa NBS gamit ang certificate na 'yan, according sa nakalagay sa description,” sagot ni Jennie. “And, damn, ang laki naman ng amount na ibinigay niya sa 'yo. He's serious talaga about dito?”

Napabuga ako ng hangin. “Oo. Seryoso siya. Napag-usapan na nga namin ito kagabi.”

Eksaheradang suminghap si Rose. “Ay? Pumunta siya sa inyo kagabi? Non-showbiz GF ka na ba, for real, ng isang sikat na boy group member?”

“Hindi nga!” Napaismid ako. “Anyway. Tulungan n'yo akong ubusin 'yang 100K mamaya!”

“Sponsor mo akong libro!” Nag-angat ng kamay si Jisoo. “May bagong release ang favorite author ko this month, wala pa akong copy no'ng book!”

“Will you be fine, Naji?” tanong ni Jennie kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. “I mean, famous siya, and need mong ipakita ang face mo kung gano'n nga ang plano ninyo.”

Nginitian ko siya. “Don't worry. Si Justin na bahala d'yan, sabi niya.”

Halata sa mukha niyang hindi pa rin siya kumbinsido, pero tumango na lang siya dahil ayaw niya na pag-usapan pa.

Nanatili muna kami sa library para magkwentuhan, pero dahil biglang nagtawanan sina Lisa at Rosie, pinagalitan kami ng librarian at lumabas na lang kami.

At noong uwian na nga, nakisakay kami sa kotse ni Jennie papuntang NBS. Alas singko pa lang ng hapon, kaya hindi ako mapapagalitan ni Mama dahil hindi naman ako matagalan. Sana lang talaga.

Pagkapasok naming NBS, nauna na kaagad sina Lisa at Jisoo na mamulot ng mga gusto nilang bilhin. Pakiramdam ko tuloy isa akong rich tita na kakauwi lang galing abroad, at binibilhan ko ngayon ng kahit ano ang mga pamangkin ko bago ako bumalik ulit.

Tig-iisang cart kaming lima, at habang pinupulot namin ang mga gusto naming bilhin ay nagtitipa naman ako sa calculator para ma-compute ang lahat, at para hindi kami lumagpas sa amount na nasa gift certificate.

Nasa isle na ako ng mga fiction books at namimili na ng kukunin, nang biglang tumunog ang phone ko na nasa pocket ng blazer ko.

Huminto ako saglit para tingnan cellphone. Napakunot ang noo ko nang makitang unregistered number ang tumatawag. Hindi ako sumasagot sa mga unregistered number pwera na lang kung may in-order ako online, pero wala naman, kaya pinatay ko na lang ang tawag.

Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone, pero biglang may nag-pop na naman sa Notification bar ng cellphone ko. This time, text message naman galing sa parehong numero.

Unregistered Number:

Hi. Si Justin 'to. Answer the call.

Napakurap ako. How did he get my number? Lumitaw ulit ang numero niya na tumatawag na naman, kaya sinagot ko na.

"Saan mo nakuha ang number ko?" tanong ko kaagad.

"Sa friend mo," sagot niya. "Hindi ka kasi online, and kailangan kitang kausapan agad. I had no choice."

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon