Chapter 11

14.6K 664 109
                                    

CHAPTER 11.

-NAJI's POV-

“WHAT THE?! AYUSIN mo nga ang pagkakahawak sa kaniya!”

“Maayos naman 'to, ah? Anong gusto mo, mag-gloves ako!?”

“Ugh! Ang iingay ninyo! Magigising siya kung magpapatuloy pa kayo!”

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga boses. Pero tuluyan akong nagising at napangiwi nang tumama ang gilid ng ulo ko sa matigas na bagay.

“Aray ko!” Hahawakan ko na sana ang ulo ko pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Nakatali ako!

Nang imulat ko ang mga mata ko, tanging itim na tela lang ang nakikita ko. May ilaw na lumulusot sa tela pero hindi sapat iyon.

Ramdam ko ang paggalaw ng kung saan ako lulan ngayon. Naririnig ko rin ang tunog ng makinang umaandar. Nasa sasakyan ako.

Pero bakit ako nandito?

“S-Saan n'yo 'ko dadalhin?” kinakabahan na tanong ko. “Kung katulad man kayo ng sindikatong 'yon, ngayon pa lang ay sinasabi ko ng wala kayong makukuha sa aking maganda! Araw-araw akong umiinom ng soft drinks at kumakain ng maaasim at maaalat, so sira na ang kidney ko. Lasingera din ako kaya 'yong atay ko may damage na! Kung lungs ko naman, may TB ako! Kung 'yong puso ko naman, wala na sa akin! Nasa kay crush na!”

Kinagat ko ang ibabang labi ko. What the hell, Naji? 'Yong puso mo, nasa crush mo na? Sindikato ang kausap mo, hindi mga teenagers na mahilig sa kilig at harutan!

“Anong pinagsasabi mo d'yan?”

“May crush siya? Hala! Sino?”

Nai-imagine ko ang pagkakunot ng kanilang mga noo at ang pagkasalubong ng mga kilay.

Naiiyak na ako. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pa!

“Please po,” humikbi na ako. “Pakawalan n'yo na po ako! Gusto ko pa pong mabuhay. Marami pa po akong gustong gawin sa mundo. Gusto ko pa pong makamit lahat ng pangarap ko. Promise po, kapag yayaman ako ten years from now, bibigyan ko po kayo ng pera. Basta pakawalan n'yo na po ako! 'Tsaka po... m-may anak pa po akong bubuhayin!”

“What? Kanina may crush siya. Ngayon, may anak na?”

Natigilan ako. Kanina pa sila nagsasalita. At parang pamilyar sa akin ang mga boses nila. Nagsalubong ang mga kilay ko.

Ilang segundo lang, narinig ko ang pagtunog ng cellphone.

“Ay teka, tumatawag si pinuno!” Natahimik sila saglit. “Pinuno... bakit? Oo, nakuha na namin siya... Oo! Don't worry, maayos siya. Nandito nga, eh! She's in good hands! Oo na nga! Papunta na d'yan. Wait lang kasi, na-traffic pa kami.... Oo nga! Paulit-ulit? Papunta na nga d'yan! Hay, naku!”

Pinuno? Boss nila 'yon! Mukhang kailangan ko nang magdasal kay San Pedro kung sakaling hindi ako palarin at mabuhay, para naman sumalangit ako.

“Ano daw sabi?”

“Magmadali. Kasi naiinip na sila.”

“Traffic kaya!”

“Green light na! Harurot na, guys!”

Bahagya akong napatili nang tumilapon ang katawan ko at napasandal ako sa upuan. Dumausdos pa ang katawan ko pagilid kaya tumama ulit ang ulo ko sa salamin ng kotse. Napangiwi na lang ako sa sakit.

Bwiset naman, oh!

“Saan n'yo ba ako dadalhin?” kinakabahan pa rin na tanong ko.

“Surprise lang kung saan!” He laughed.

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now