Chapter 30

8.6K 401 17
                                    

Chapter 30

-NAJI's POV-

I couldn't believe this!

Parang panorama na nag-flash sa utak ko lahat ng memorya ko tungkol sa kaniya, simula noong nakasama namin siya hanggang sa iniwan niya kami. It's been so long, but I suddenly felt like it happened just yesterday.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I missed him, alright. Pero mas nangibabaw ang sakit na dulot ng iwan niya kami.

I've been bullied since then because I don't have a father. Every family day, it's always me, my brother and my mother. Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase kong kasama ang buo nilang pamilya. Naiinggit ako sa mga kaibigan ko na sinusundo ng kanilang mga Papa, naiinggit ako sa kanila na araw-araw nakakasama ang kanilang ama.

“Naji...” He called me.

Mas bumilis ang pag-agos ng mga luha ko. When was the last time I heard him call my name? Eight years ago? Ten years ago? It's been so long that I forgot to count.

“Anong ginagawa mo rito?” mariin kong tanong. I curled my hands into a ball to control my anger.

Pain and longing crossed his eyes. Parang gusto kong matawa. Nasasaktan siya? Pwede pala 'yon? Siya ang nang-iwan sa amin pero nasasaktan pa siya ngayon. Ang kapal talaga.

“Anak, alam kong--”

“Wala akong ama,” I cut him off with greeted teeth. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon na gusto ko na lang umiyak nang umiyak. “Hindi mo ako anak.”

“Naji, anak, pakinggan mo--”

“Hindi mo nga ako anak, eh!” I shouted. Wala na akong pakialam kung nakukuha na namin ang atensyon ng ibang nandito. “Simula noong iniwan mo na kami, hindi mo na ako anak! Hindi na kita ama!”

“Naji, alam kong nasaktan ko kayo sa ginawa ko pero kasi...”

“Pero kasi, ano?” I cut him off again. “Kasi nagsawa ka na kay Mama? Nagsawa ka na sa'min? Ano? Tangina, ano!?”

“Papa!”

Napatingin ako sa batang tumakbo papunta sa kaniya at yumakap sa kaniyang hita. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, kamukha niya si Papa... anak nga rin siya ni Papa. Mas lalong piniga ang puso ko.

I laughed sarcastically. “Wow. May bago ka ng pamilya? Congrats!”

“Naji, calm down.” Napatingin ako kat Jah nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. “Ako ang nagdala sa Papa mo rito--”

I shove his hand away. Nagulat siya sa ginawa ko. I just glared at him because I couldn't curse him, may batang nandito. He was about to reach for my arms again pero mabilis akong tumalikod at tumakbo. I heard them calling me to go back, but I never listened.

Pinara ko ang dumaang taxi. I was about to go in when I heard him call me.

“Naji! Naji, wait!”

I suddenly lost my affection to him. I thought he will never do it to me. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Parang piniga ang puso ko nang makita ang mga mata niyang nagmamakaawa.

Exclusively Dating The Idol | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя