Chapter 15

12.9K 617 84
                                    

CHAPTER 15.

"WHO'S THAT, JAH?" tanong kaagad ni Sharlene habang nakatitig sa akin.

Pasimple akong napakurap at napalunok. Ayan na nga!

I cleared my throat. "I am--"

"Don't talk to me," she cut me off at napasinghap na lang ako. "I am not talking to you." She rolled her eyes at me and looked at Justin again.

Aba't--!

Ang maldita naman nito! Ano kaya ang magiging reaksyon ng fans niya kapag nalamang ganito siya off-cam? O baka alam na nila at wala lang silang pakialam.

Napabuga ng hangin si Justin. "Anong ginagawa mo rito, Sharlene?"

"Stating the obvious is a stupid's act," maarte niyang sabi.

I mentally rolled my eyes. Itulak kaya kita nang mabagok ulo mo.

"Kanina pa siya namin pinapaalis," singit ni Pablo. "Pero ayaw niya."

Humarap kaagad sa kaniya si Sharlene. "I told you! I don't want to leave. Nandito si Jah, eh! And I don't want to be away from my boyfriend." With the mention of Justin's name, humarap siya rito. Ngumiti siya kay Justin bago ibinaba ang tingin sa akin. "Lalo na't may dumi na dumidikit ngayon sa kaniya."

Napasinghap ako. Kaunti na lang... Kaunti na lang at kakalimutan kong artista siya at sasabunutan ko na!

"Sharlene," may pagbabantang sabi ni Jah. "Watch your words. You're talking to my girlfriend."

Napabaling kaagad ang tingin ni Sharlene sa kaniya. Nagkasalubong ang mga kilay nito sa pinaghalong pagtataka at galit. "G-Girlfriend?"

I proudly raised my head. "Yes, I am his girlfriend. Now, back off, bitch."

Wow, napakatapang! Akala mo hindi nangangatog ang binti, eh.

Her face turned red in so much anger. Galit ang mga matang nagbaling siya ng tingin sa akin. She advanced one step towards me pero kaagad akong hinila ni Justin papunta sa kaniyang likuran.

"Sharlene, stop it," mariin na sabi ni Justin. "Don't start a fight. Don't even think about it"

"Baby, you're hurting me now!" Maagap na sagot ni Sharlene. I could see tears forming in her eyes. She's about to cry.

Justin sighed. "We talked about this, Sharlene. At pumayag ka."

"Jah!" sigaw niya. "I... I told you it was just a joke! H-Hindi ako papayag!"

She bit her lower lip and grit her teeth. May gusto pa siyang sabihin, pero marahas na lang siyang bumuga ng hangin at umungol sa matinding frustrasyon bago nagmartsa paalis. Binangga niya pa ang balikat ko intentionally! Pero hindi ko na ginantihan pa.

Napaigtad ako nang marinig ang malakas na kalabog ng pintuan na pabalang na sinarado. Maldita talaga.

Justin sighed in relief. Napatingin ako sa kaniya nang alisin niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang kamay.

"I'm sorry about that," he whispered.

Ngumiti at tumango ako. "It's okay. That's the purpose why I am here, right? Para paalisin ang peste?"

Exclusively Dating The Idol | ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ