Chapter 20

11.4K 612 119
                                    

Chapter 20

Before, a lot of boys wanted to court me or show their affection towards me. Pero ayoko dahil, bukod sa bata pa ako, ay ayokong may nagkakagusto sa akin. Feeling ko ay hindi ako karapat-dapat na gustohin. I always joke about me being beautiful, because that's how I hide my real feelings toward myself.

Sa tuwing binibigyan nila ako ng bulaklak, tinatanggap ko at tinatapon ko naman kapag tatalikod na sila. Minsan sa Valentine's Day, hindi ko pinapansin ang mga nais magbigay sa akin ng flowers dahil, para sa akin, nag-aaksaya lang sila ng oras at pera sa akin.

But as I grew up, unti-unti ko nang naa-appreciate ang mga bagay-bagay sa paligid. Though I still don't accept flowers and things na mula sa mga 'manliligaw' dahil alam ko rin naman ang kahahantungan kapag tinuloy ko.

"Saan ka tumitingin? Nandito ako."

Napakunot ang noo ko. "Huh? Saan?"

"Sa likod mo."

Napaigtad ako at napaharap kaagad sa likuran ko nang marinig ko ang boses niya. Nasa tenga niya pa rin ang cellphone. Gano'n din ako. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. It's bad to assume, but I can't help it. Naestatwa ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

He's holding a bouquet of flowers.

Hindi pa ako minsan nakaramdam nang ganito sa lahat ng nagbibigay sa akin ng flowers. Kung hindi awa dahil ayaw ko naman sa kanila, ay appreciation naman ng effort nila. But this... is way, way different.

It felt like everything around us vanished, and only us were left there, standing and facing each other. Parang tumigil din ang oras habang nakatitig ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti na sa akin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang lumakad siya papalapit sa akin. He stopped when he's one step away from me. And I also felt like my heart stopped.

“Naji?” tawag niya dahilan para nagising ako at natauhan.

Napakurap ako at kaagad na yumuko. I felt my cheeks burned.

“B-bakit ka lumabas?” tanong ko na lang para hindi awkward.

“Bakit? Bawal na bang makita ka ngayon?” Tumawa siya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. From what I realized today, unti-unti ko na ring na-realize ang mga confusions ko tungkol sa mga nararamdaman kong hindi pamilyar sa akin.

Naglakas-loob na akong mag-angat ng tingin sa kaniya. I glared at him.

“Hindi ka dapat lumalabas nang walang kasamang bodygaurds! Paano kung may susugod ditong sasaeng fan, ha? Kaloka ka.”

He chuckled. “Aww, my girlfriend is concerned about me.”

Napairap ako. “Hindi mo ako girlfriend ngayon. Wala akong nase-sense na camera sa paligid!”

Napailing na lang siya na parang natutuwa pa siya. “Oh, para sa'yo.” Kinuha niya ang kamay ko at nilagay do'n ang bouquet.

Nakakunot ang noong tinitigan ko ang binigay niya. “Para saan 'to?”

“Alam mo ba kung anong araw ngayon?”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “Oo naman. Lunes ngayon.”

Napailing siya habang natatawa. “Engk! Mali!”

Napanguso ako. “Lunes naman talaga ngayon!” giit ko. “At walang special ngayon, at hindi holiday.”

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now