#chapter40 (2nd Target ; Patikim)

951 13 1
                                    

AN:

  sa tinagal tagal, sa wakas nakapag ud din.. Uunahan ko na po kayo, medyo  BITIN talaga ang chapter na ito ^_^ super busy lang po kasi ko talaga.

  May pic po si Charity sa right side, ini-edit ko lang po iyan .. at for reference purpose lang po. (kaya sa mga fans po ni Bangs Garcia dyan, PEACE po tayo:)

  Pa-like po ang page na ‘to kung okay lang po.. thanks

 www.facebook.com/xtinelee26

+Chapter 40+

    Todo bigay ang mga models sa pagrampa. Binibigyan nila ng buhay ang bawat bikini at swim suit nilang suot. Sige sa pagkislap ang bawat kamera, sinusundan ang mga modelo sa kanilang bawat galaw. Hindi din maiaalis sa mata ng mga manunuod ang paghanga at page enjoy sa ganda ng show.

  Maya pa’y nagdilim ang paligid, binuksan ang spotlight at itinuon ito kay Maestro George, ang may likha ng lahat ng swimsuit na napapanood sa show.

#sa backstage

  “Sheila pa help naman oh, ang kati ng likod ko”.

  “Char maya na baka mamula pa yan, tiisin mo na lang muna. Ikaw na ang susunod oh” sagot naman nito.

  “Shit naman oh, please paki kamot na ang kati talaga. Ano ba ‘to?” asar na sabi  nya.

  “Baka nakagat ka ng insect kanina, oh ikaw na Char. Galingan mo ah? Goodluck”  sabi nito.

 Wala na syang nagawa kundi ang umakyat sa stage kahit na nga hindi na nya malaman ang gagawin sa makati nyang likod. Sobrang uncomfortable sya ng mga sandaling iyon.

  Saglit lang naman ito, kaya ko pang tiisin. This is it Charity, maeexpose ka na in national television. Galingan mo, gagalingan ko!  Kausap nya sa sarili.

# SA STAGE

 “Wearing my newest and elegant creation, here is Ms. Charity Fontanilla” he said. Then bumaba na ito ng stage at nagdilim na naman ang paligid, ang lahat ay naghihintay sa paglabas ng star model of the night.

  Ano kaya ang mararamdaman mo sa hinanda kong sizzling revenge Charity, I can’t wait to see your reaction.

(Charity’s POV)

  Hay bakit ba ngayon pa nakisabay ang pangangati ng likod ko. And feeling ko hindi lang sa gawing back, makati na all over my body. Tsss !!! Pero hindi ko dapat dito ituon ang atensyon  ko, the show must go on.

  Big night talaga ang gabing ito para sa akin, and after this, ang greatest dream ko naman ang matutupad. Hello Italy na ako :) Hindi ko maiwasang mapangiti sa ideyang iyon. Nagbalik ang senses ko ng masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa spot light, hindi ko namalayang inintroduce na pala ko.

  Parang nakaplaster na ang ngiti sa aking mga labi ng magsimula akong rumampa sa stage, talagang binibigyan ko ng buhay ang swimsuit kong suot. I’m sure after this show, ma sold out agad ang bikini na inirarampa ko ngayon.

   Bigla akong napatigil sa pagrampa ng makita ko ang reaction ng mga audience habang pinapanuod ako. Sigurado akong hindi paghanga ang nakikita ko sa mga mata nila. Pero bakit? Ano bang mali sa akin? Sigurado naman ako sa bawat paghakbang  ko, alam kong hindi ako nagkamali kahit na minsan.

  “woooooh!!” sabi ng nakakarami sa audience. Ang iba ay napapailing na para bang nadidismaya o NANDIDIRI?? What the hell is happening?

  Unti unti kong tinignan ang sarili ko and dahil sa sobrang gulat,hindi ko napigilang mapasigaw.

[Third Person’s POV]

  Makikita sa mga mata ng mga audience ang tila pagkadiri dahil  sa kanilang napapanuod. Sige pa rin ang pagkislap ng mga kamera, at pagtuon ng video sa modelong nasa gitna ng stage.

   Kahanga hanga ang galing nito sa pagrampa ngunit hindi naman maitatago ng taglay nyang husay ang nasa buong katawan nya ng mga sandaling yun.

“Oh my God, ganyan ba ang mangyayari sa balat ko pag nagsuot ako ng bikini na iyan”

“Ang kapal naman ng mukha nyang rumampa sa stage sa balat nyang iyan. Yuck!!”

 “Saan ba napulot yang model na yan? Model nga ba? EEwww!!”

  Ganyan ang mga maririnig na bulung-bulungan sa paligid, samantalang tila wala pa yatang kaalam alam ang modelo sa nangyayari sa kanya dahil sa todo bigay pa din ito sa pagrampa sa stage.

  Maya pa’y tumigil ito at tila nakahalata na sa nangyayari, dahan dahan itong tumingi sa sarili at  . . . .

 “NO !!!!!!” she shouted at napaupo sa mismong gitna ng stage. Dali dali syang dinulugan ng staff ng show at ng kanyang manager. Kitang kita naman sa mukha ng designer ang pagkadismaya dahil sa nangyaring gulo sa show dulot nito.

[Charity’s POV]

  Oh my God, ano ba ‘to? Bakit ako tinubuan ng sandamakmak na rashes ngayon?? Nakakahiya. Nakakahiya!!

  Nakayuko lang ako  sa gitna ng stage habang  pinagpipipyestahan ako ng mga kamera. At kahit na nga nasuotan na ako ng robe, hindi ko pa din magawang tumayo dahil sa sobrang kahihiyan. Iniangat ko ng bahagya ang aking ulo para makita ko ang aking paligid, at hindi ko na mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan ko ang mga tila dismayadong itsura ng mga manunuod. Lalo pang nakapagpadagdag sa halo-halong emosyon  ko ngayon ang  tawanan ng mga audience, ang mga bulung bulungan pero sadyang pinaparinig naman sa akin.

 Napapikit ako habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko, pero kahit na yata ano ang gawin ko hindi ako titigilan ng mga tawanan at bulunga nila. Dahil kahit na di ko na sila nakikita at naririnig ay sa isipan ko naman sila pumupunta.

  Para bang biglang may pumitik sa noo ko, at bigla bigla ay naalala ko ang isang pangyayari na katulad na katulad ng nararanasan ko ngayon. Napadilat ako, hindi-hindi maaari. . .  Ganitong ganito ang ginawa ko sa panget na yun noon, ganito yun PERO MAS MATINDI ang kahihyang sinapit ko ngayon.

  Para bang may nakatingin sa akin kaya’t napalingon ako sa isang babaeng titig na titig sa akin. Para bang galit na galit ang mga mata nya habang tinitignan ako, pero unti unti naman may sumisilay na ngiti sa mga labi nya.

  Ang ngiting iyon, hindi. Hindi maaari. Imposible, HINDI!!!!!

#black out

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Hala ka Charity, paano na ang carrer mo ngayon?

Ano ang pakiramdam ng napapahiya?? TSSSS!!

Dito na ba natatapos ang revenge ni Aaliyah kay Charity o ito pa lang ang simula??

ABANGAN . . . . . . . .

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon