#chapter 13 (Paghaharap)

1.1K 10 0
                                    

°

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 13+

°

°

°

[Josh's POV]

°

°

°

Kahit na nga Saturday ngayon, magkasama pa din kami ni Grace dito sa mini park. Tinutulungan din nya kasing kong matapos ang report ko sa Physics, mas binabagabag talaga ko ng konsensya.

Mabait naman kasi talaga si Grace, matulungin, caring at masayahin. Masaya din ako kapag kasama ko sya, pakiramdam ko hindi sya panget sa mga oras na naririnig ko ang mabini nyang tawa. Napaka buti nya sa akin, naging totoo sya sa akin. Eh ako? Isang hamak na manloloko, ang laki kong gago tsk!

°

°

/Sana sa ibang pagkakataon na lang nagkatagpo ang landas natin/

°

°

Tumingin ako sa gawi nya, at napatingin din naman sya sa akin. Kahit na pilit nyang itago, nararamdaman kong may bumabagabag sa kanya. Para bang nagkwekwento yung mga mata nya sa akin. Hay.

°

°

"May problema ba Grace?" -- tanong ko, ng nakatingin pa din sa kanya.

°

°

"H-ha, ano kasi" -- hindi sya makapagsalita, tumungo sya at nagkamot ng batok nya.

°

°

"Hmm,?"

°

°

"Nagtalo kasi kami ni Pat nung isang araw, remember him? yung nerdy look?" -- sabi nya.

°

°

Natatandaan ko sya, sya yung pinakilala nya sa akin last time. Pero tingin ko ayaw sa akin nung isang yun, insecure din yata tulad ni James.

°

°

"Yep, medyo natatandaan ko sya. Anong nanyari? Pwede mong ishare malay mo makatulong ako" -- sabi ko.

Tsk, what the?? Sa halip na gumagawa na ko ng way para ayawan nya ko, ganito pa ginagawa ko? Asar lang.

°

°

"Hmm, wala lang yun. Pero, napagsalitaan ko sya ng masakit eh. Di ko tuloy alam kung magsosorry ba ako, hays" -- kwento nya.

Bakit hindi nya idetalye? Pakiramdam ko may kinalaman ako kung bakit sila nag-away.

Arrgghh! Paki ko ba dun!

°

°

"Huwag mo ng isipin yun, hindi ka din nun matitiis" -- nasabi ko na lang.

Pasensya sya, hindi ako magaling na advicer tulad nya.

°

°

"Umm, sana nga" -- malungkot nyang sabi.

°

°

"Wag ka nang emo, smile naman dyan oh" -- hirit ko pa.

°

°

"^__^ di ako emo ah" -- depensya nya.

°

°

Buti naman kahit paano napapangiti ko sya. Pero one week na lang, kailangan ko ng tapusin ang lahat. Kung paano? Bahala na ang bright idea ni Charity.

°

°

°

>> part.2

***

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon