#chapter 19 (Js Prom, Last Part)

1K 12 1
                                    

°

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 19+

°

°

°

[Grace's POV]

°

°

°

Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak ng malakas pero pakiramdam ko wala akong lakas para gawin yun. Niloko lang ako ni Josh, pinaglaruan nya ko! Ang lahat ng mga ipinakita nya sa akin ay para lang manalo sya sa isang laro. Nagawa nya kong paikutin sa mga palad nya, ang tanga tanga ko. Madali nya kong napaniwala, nabulag ako sa mga pinapakita nya sa akin.

Ang hindi ko alam pagkatalikod ko, siguro pinagtatawanan nila kong magpinsan.

°

°

/Ako si Angela, isang hamak na panget at malaking tanga!/

°

°

Narating ko ang parking lot ng hotel ng hindi ko namamalayan dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. GALIT AKO KAY JOSH, at naaawa ako sa sarili ko :\

°

°

Palapit na sana ko kung san ko pinarada si Lady ng may marinig akong isang pamilyar na boses.

°

°

"Kawawa naman ang step sister ko, pinaglaruan lang pala ng mahal nya"

°

°

Nilingon ko kung sino, at hindi nga ako nagkamali . . . si kuya James. Pero bakit sya nandito? dadamayan nya ba ko sa mga pinagdaraanan ko ngayon? SANA.

°

°

"K-kuya, kuya T__T" -- napahagulgol ako habang papalapit ako sa kanya. Pakiramdam ko, sya na lang ang kakampi ko sa mga oras na ito.

°

°

"Tahan na Angela, tahan na" -- alo sa akin ni kuya habang nakayakap ako sa kanya.

°

°

"K-kuya pi-pinaglaruan n-nila ko, si-sila Josh" -- pautal utal kong sumbong sa kanya sa pagitan ng pag iyak ko.

°

°

"Bakit Angela, hindi mo ba nagustuhan ang larong ginawa ko para sayo?"

°

°

/LARONG GINAWA KO PARA SAYO/

°

°

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay kuya, hindi ako makapagsalita. Iniisip kong nagkamali lang ako ng dinig.

°

°

"Nagulat ka ba ha.? Oo, tama ka ng dinig, AKO ANG UTAK SA LAHAT hahaha. Ang galing ko diba??"

°

°

Sabi sa akin ni kuya na talagang ikinagulat ko. Ang sakit sa tenga ng tawa nya, ang sakit!

°

°

"H-Hindi, hindi t-totoo. Hindi mo magagawa yan kuya, HINDI!!" -- pasigaw kong sabi habang tinatakpan ko ang magkabilang tenga ko.

°

°

"Hahahaha, A LOVE GAME yan ang tawag sa laro ko. Ikaw ang taya, at si Josh ang maglalaro. Gadgets ang pusta ng ibang P6, At ang kotse naman namin pareho ang nakapusta hahaha" -- parang baliw sya habang nagsasalita.

Nagmumukha na syang demonyo sa paningin ko, ang sama nya! ang sama nila!

°

°

>>part.2

***

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon