#chapter 2 (Patrick and the Powerful Six)

1.4K 15 0
                                    

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 2+

°

°

°

°

°

Pagbaba ko ng taxi diretso agad ako sa gate ng school, maaga pa naman pero kailangan ko pang pumunta ng library.

°

°

°

"Oi Gelai, hintay!" -- may tumawag sa akin kaya napalingon ako. At iisa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun, walang iba kundi ang nag iisa kong friend dito sa school na si Patrick.

°

°

"Himala ang aga mo yata" -- biro ko sa kanya.

Lagi kasing late itong si Pat, siguro napupuyat sya kakaaral. Oo tama kayo ng iniisip, isa syang nerd. Ewan ko ba sa kanya di naman kayang itago ng oversized nyang salamin ang kagwapuhan nya.

Gwapo si Pat, matalino, mabait at mayaman. . . . siguro kung hindi lang sya nerdy look baka hinahabol na din sya ng ibang girls dito sa school :D

°

°

"Naku nangantyaw ka pa, naalala kasi kita. May assignment ka na ba sa Physics?" -- tanong nito na ikinatuwa ko naman. Kabisado na nya talaga ko.

°

°

"Ah hehe, wala pa. Paturo naman po ako friend kong genius" -- I said, then nagpout pa ko.

Pang-genius na talaga ang IQ nitong si Pat, sa pagkakaalam ko pinagbubutihan nya talaga ang pag aaral para maging proud sa kanya ang dad nyang doctor.

°

°

Hindi sya pala-kwento pero minsan nabanggit nya sa akin na daddy na lamang nya ang pamilyang mayroon sya. Ewan ko talaga dito kay Pat, masyadong malihim.

°

°

°

"Hahaha wag ka nga gumaganyan Gelai, mas pumapanget ka" -- pinintasan na naman ako. Pero sanay na ko sa banat nyang iyan, bukod kasi sa totoo naman ang sinabi nya. . . . alam kong kaibigan ko talaga ang nerd na kaharap ko.

°

°

"Aray naman Pat, baka may makarinig sayo madiscover pa ko hahaha"

Para kaming baliw na dalawa na nagtatawanan habang papunta ng library.

°

°

°

Si Patrick ang isa sa dahilan kung bakit naeenjoy ko ang buhay estudyante, at isa pa sya lang naman yata ang nakakaalam na nag eexist ako sa school na ito.

°

°

°

°

==> part.2

****

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon