(Preparation) #part.2

1K 13 3
                                    

°

°

°

[Grace's POV]

°

°

°

Mabilis akong nakarating sa hotel kung saan idadaos ang JS Prom namin, dahil syempre sa new car kong si Lady. Super bait talaga ni mommy :)

Pagmamay ari daw nila Enzo ang hotel na ito, ayon na din kay Josh. And speaking of him, nasaan na kaya sya?

°

°

Suot ang semi formal black dress ko na knee length, taas noo akong pumasok sa hotel after kong maipark si Lady.

°

°

Aba, tulad nga ng sabi ni mom . . . . MAGANDA ako inside, kaya wala akong dapat na ikahiya.

°

°

Papasok pa lang ako ng makita ko si Patrick, kasama nya si Ashley. Ang sweet nilang tingnan. Hindi na din suot ni Pat ang salamin nya kaya kitang kita ang kagwapuhan nya. Napangiti ako dahil sa tingin ko mukhang okey naman sya sa kabila ng mga nangyari, but at the same time nakaramdam din ako ng lungkot. Sinabi nyang mahal nya ko, pero bakit mukhang masaya naman sya kasama ang iba? Hay

°

°

°

[Patrick's POV]

°

°

°

Pumwesto talaga ko sa gawing entrance para makita ko agad si Gelai pagdating nya. Kahit na alam kong masasaktan lang ako kapag nakita ko syang kasama si Josh, pero titiisin ko makita ko lang syang masaya.

°

°

"Hey handsome, nandito ka lang pala" -- sabi ni Ashley sabay kapit sa braso ko.

Ewan ko ba sa babaeng 'to parang linta, eh wala pang 1 week na makilala ko sya.

°

°

Ngumiti na lang ako at ibinalik ang tanaw sa may entrance. At nakita ko naman ang kanina pa hinahanap ng mga mata ko, si Angela. Pero bakit mag isa lang sya? Nasaan si Josh?

°

°

Lalapitan ko na sana sya ng makita kong may lumapit sa kanya, ang ibang myembro ng P6. Tsk!!

°

°

°

[Grace's POV]

°

°

°

Nagulat na lang ako ng lapitan ako ng ibang member ng P6, sina Madeline, Troy at Enzo. Hindi tuloy maiwasan na mapatingin ang ibang tao sa gawi namin.

°

°

Iniwan din naman nila ako kaagad, ibinilin lang daw ni Josh na samahan ako sa naka-reserve ng seat para sa akin.

Naku, feeling ko tuloy napaka espesyal ko.

°

°

°

--------------------------------------------------

§***§

Waaah, next update start na ng prom. Pati ako kinakabahan sa mga mangyayari >.<

Kung ok lang po pwede makahingi ng 10votes before ako mag update ulet? Kung pwede lang naman po.

SALAMAT =)

§***§

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon