#chapter 3 (Confession)

1.2K 10 0
                                    

°

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 3+

°

°

°

°

Pagkatapos ng klase tulad ng nakasanayan, tambay muna kami ni Pat dito sa mini park ng school. Huwag na kayong magtaka sadyang sosyal talaga dito.

°

°

"Gelai bakit kung makatingin ka kanina dun sa huling dumaan parang kakainin mo ng buhay?" -- yan ang tanong ni Pat sa akin na sobrang ikinagulat ko.

°

°

"H-ha? Hindi naman, exag ka masyado" -- pagtanggi ko. Ayaw kong aminin kay Pat na may pagsintang pururot ako kay Josh, bukod kasi sa nahihiya ako eh baka pagtawanan pa nya ko.

°

°

"Woah, Gelai may crush ka sa kanya no?" -- tanong nya sa akin.

°

°

"Tsk, shut up. Huwag kang maingay baka may makarinig sayo" -- sabi ko, pinangdilatan ko pa sya ng mata.

"Hindi ko sya crush".

°

°

"Asus ayaw pang aminin, sige uwi na ko" -- paalam nya. Akmang tatayo na si Pat ng hawakan ko sya sa braso.

°

°

"Wag ka na ngang tampururot dyan, oo na inaamin ko na" -- mahinang sabi ko sa kanya.

°

°

"Sabi ko na nga eh, pero friendly advice lang Gelai. . . . . huwag mo masyado ientertain yang feelings mo, sige ikaw din" -- yan ang sabi sa akin ni Pat. Kitams kahit na minsan pintasero yan alam kong concern din sya sa akin.

°

°

"Alam ko naman yun Pat, sino ba naman ang magkakagusto sa isang pangit na tulad ko diba?" -- sabi ko. Sa totoo lang minsan nakakaramdam pa din ako ng awa para sa sarili ko, ewan ko ba.

°

°

"Wag ka ngang emo, di bale Gelai nandito naman ako eh. Gwapo mong friend" -- pampalubag loob na turan ni Pat.

°

°

°

Ngumiti ako kahit na alam kong hindi maitatago ng mata ko ang lungkot na nararamdaman ko sa ngayon.

°

°

°

°

°

°

[Patrick's POV]

°

°

°

Kakahiwalay lang namin ni Gelai, magkaiba kasi ang way namin pauwi.

Sa totoo lang may isa kong mabigat na rason kung bakit nilapitan ko sya nuon at nakipagkaibigan. Nung una hindi ko inakalang makakasundo ko sya, ang Ugly Duckling ng school.

°

°

°

°

==> part.2

***

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon