# chapter 35 (2nd Target : What's wrong w/ Steve?)

1K 10 4
                                    

+Chapter 35+

[Josh’s POV]

  Nang magpaalam si Enzo para magpunta ng CR ay sumunod na din ako kaagad. Hindi naman sa tsismoso ako pero para bang may nag uutos sa akin na itanong ko sa kanya yung dapat ay sasabihin nya kanina. I am damn curious.

  “Oh tol, sumunod ka pala” puna nya sa akin. Tumango lang ako, hindi ko alam kung paano ko sya tatanungin na hindi lumalabas na masyado kong mausisa.

  “Enzo, yung kanina?” medyo pabitin kong tanong.

  “Anong kanina tol?” naka-kunot noo nyang tanong.

  “Yung sasabihin mo sana before Steve arrived” patuloy ko.

  “Ah yun ba? Wala yun tol hehe” sabi nya at naglakad na palabas pero huminto sya ulit at lumingon. “Josh, wala ka bang napapansin kay Steve?” tanong nya.

  Napailing ako ng bahagya at tinapik sya sa balikat. “Iisa lang talaga ang bituka natin tol hehe”

Sinasabi ko na nga ba at hindi lang ako ang nakapansin.

  “You should tell Charity” seyoso nyang sabi. Natigilan ako sa sinabi nya. Oo, dapat talagang malaman ito ni Char, pero paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi sya masasaktan. At isa pa, maniwala naman kaya sya? Tsk!!

  “How?” tanong ko.

  “Ikaw  ang dapat nakakaalam nyan tol, magpinsan kayo eh” sabi nya at tuluyan ng bumalik sa loob ng resto. Naiwan akong mag isa habang nag iisip. Hay  kamalasan naman kasi ni Charity, magmamahal na lang sa ganoon pa.

[Aaliyah’s POV]

   Kanina pa ko paikot ikot sa loob ng bookstore na ‘to pero hindi ko pa din makita ang hinahanap kong book. Bakit ba kasi naisipan ko pang maghanap dito, sana sa internet na lang ako nagsearch para hindi na lang din ako nag aksaya ng panahon.

  Palabas na sana ko ng National ng mapansin kong nakatayo sa isang gilid si Patrick, at kung hindi ako nagkakamali ay nakatingin sya sa akin. Teka, sinusundan ba nya ko?? Hays!

  Mabilis akong naglakad, pero nakalagpas pa lang ako ng kaunti kung saan sya nakatayo ng maramdaman ko ang mainit nyang palad sa braso ko. Nilingon ko sya.

  “Why?” walang emosyon kong tanong. Naalala ko na naman yung huling beses na nagkausap kami.

  “Can we talk?” He asked.

  “Do I have a choice?” I answered.

  “No”

  “Then next time, huwag ka ng magtanong” inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin at itinuro ko ang isang fast food kung saan malapit lang sa kinatatayuan namin. Walang lingon lingon akong naglakad. Tss, kung hindi ko lang sya kailangan sa mga susunod na plano ko, hinding hindi ako makikipag usap sa kanya.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ano kaya ang napansin nila Enzo and Josh kay Steve na maaaring makasakit kay Charity?

Masabi kaya ito ni Josh sa pinsan nya?

At ano ang kailangan ni Aaliyah kay Patrick??

ABANGAN. . . .

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon