#chapter 11 (I love her)

1.1K 12 0
                                    

°

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 11+

°

°

°

[James's POV]

°

°

°

Kawawang nerd, sya na ngang nagmamalasakit sya pang naging masama.

Ang tanga din talaga ng panget na yun eh, paniwalaan ba naman agad agad ang mga buladas ni Josh.

°

°

Tsk, kahit paano bilib din naman ako sa lalaking yun. Sineseryosong masyado ang pustahan, ayaw talagang ipagamit si Max.

Kapag natalo ko, kawawa naman si Dash pero di bale mapapalitan ko din naman sya soon na matupad ang mga plano ko.

Sorry na lang Josh, ikaw ang ginamit kong instrumento para makuha ang lahat ng gusto ko.

°

°

°

[Patrick's POV]

°

°

°

/Binigo mo ako Pat, akala ko nakatagpo na ko ng totoong kaibigan. Nagkamali ako/

°

°

Tss, paulit ulit kong naaalala ang mga sinabing yun ni Angela. Parang pinagsisisihan pa nyang naging kaibigan nya ko.

Galit ako, pero hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko nagawang mangatwiran, tuloy ako pang lumabas ng masama. Akong nagmamalasakit lang naman, hay.

°

°

Gusto ko na sanang umiwas na talaga ng tuluyan, kaso may pinangakuan akong babantayan ko sya at poprotektahan.

°

°

Kaya heto ako ngayon, nagmumukhang tanga. Pwedeng pagkamalang spy o di kaya stalker dahil sa pagsunod sunod ko sa kanya at pagmamasid mula sa malayo.

Kitang kita ko tuloy ang mga ginagawa nila ni Josh. Ang paglalambingan, pagkukulitan, pagtatawanan. Ang saya saya nya habang kasama ito, parang walang nangyaring pagtatalo sa pagitan naming dalawa. Galit kaya sya sa akin?

°

°

Arrggghhh! Ang sakit sakit palang makitang masaya ang mahal mo kasama ang mahal nya, sana nagsaksak na lang ako ng sarili ko! Oo, mahal ko nga si Gelai, hindi ko lang malaman kung kailan pa basta ang alam ko nasasaktan akong makita sya sa piling ng iba.

°

°

Kung narealize ko sana kaagad yung nararamdaman ko edi sana kaming dalawa ang magkasama, edi sana hindi ako mangangambang maaari syang masaktan dahil yun ang hinding hindi ko kayang gawin sa kanya.

Pero huli na ko, at isa pa alam kong wala naman syang feelings para sa akin. Ayaw na nga nya kong maging kaibigan man lang :(

°

°

°

--------------------------------------------------

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon