CHAPTER 44 (Third Target)

703 13 7
                                    

And this is another start. .

 Dahan-dahan akong pumasok sa entrada ng unti-unti nang paluging kompanya. Hindi ko maialis na makaramdam ng sakit at panghihinayang habang naglalakad sa hallway nito. Hindi ganito ang inaasahan kong kahihinatnan, ng kompanyang kinalakihan ko, ng kompanyang minsang nagpakain, nagbihis at nagpaaral sa akin.

 Habang nasa loob, hindi ko maiwasang iikot ang paningin sa aking paligid. Tama, napakarami na nga talagang nagbago. Magmula sa interior design hanggang sa mga tauhan. Wala na ang palangiting guard na laging bumabati sa akin nuon sa tuwing bibisita ako dito. Wala na din ang mga tila bituin sa mga mata ng mga receptionists. At highit sa lahat, wala na ang mapanuring mga mata na tumitingin at pumipintas sa akin ng palihim habang nakikita nila ang pangit kong mukha. Oh yes, everything has changed.

 “Aaliyah ………. “

 I heared someone calling my name, lumingon ako. Nakita ko ang isang babaeng papalapit sa akin. Huminto sya sa harap ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa, saka ngumiti.

(kung makatingin naman ito, tsss)

“Come on. Sumunod ka sa akin”

 Para naman akong robot na sumunod lang sa babaeng iyon.

(2  Days Ago)

  “Heto na po ang lahat ng report tungkol sa kanya at sa kompanya” sabay abot sa akin ng isang hindi-kalakihang envelope.

 Sinilip ko ang laman niyon, at hindi ko mapigilan ang kakaibang pakiramdam na namayani sa akin ng mga oras na iyon. Galit? O Tagumpay?

 “Salamat, maaasahan ka talaga. Ipapatawag na lang ulit kita kapag may kailangan ulit ako.”  Iniabot ko sa kanya ang isang tseke.

 “Salamat boss”

(PRESENT)

 Pinapasok ako sa isang opisina nung babaeng tumawag sa akin kanina. Nabungaran ko ang isang napaka garbong opisina? O kwarto? May isang mahaba at malapad kasing sofa. Para itong kawarto kung titignan mo talagang mabuti, parang props lang ang isang table at swivel chair sa gitna.

“Maupo ka” bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses na iyon. Ang boses na kahit ilang taon kong hindi narinig ay tila nakatatak na yata sa aking buong pagkatao. Ang boses na halos isumpa ko nung marinig ko itong tumatawa na parang nasa rurok ng tagumpay. Ang boses na pinakamumuhian ko.

 Umupo ako sa isang upuan sa harapan nito. Nakatalikod lang ito sa akin habang hawak ang isang papel. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit kailangan kong makaramdam ng kaba sa existence ng lalaking ito? Hindi ba’t eto na ang pinakahihintay kong pagkakataon?

“Can you introduce yourself ms. Aaliyah” wika nito habang unti-unting humaharap sa akin.

 At ng masilayan ko ang ngiting yun, ang mukhang yun, ang mga matang yun. . . .  tila isang nagbabagang apoy ang kumain sa buo kong pagkatao. Nagliyab na naman ako sa matinding galit.

[Patrick’s POV]

 Shit! Ano ba ang ginagawa ni Angela sa lugar na ito? Ano ba talaga ang binabalak nya? Bakit sya pumunta sa lugar ng hayop na James na yun?? Tsk!!

 Maingat kong sinundan si Angela habang paalis ng bahay. Kailangan ko kasing malaman ang iba pa nitong pinaplano. Kailangan ko syang mapigilan sa mga balak nya, bago pa sya mapahamak. Isang lalaki kasi ang lagi kong nakikitang kausap nya, hindi ako sigurado kung ano ang ginagawa nito para sa kanya. . . . .  ngunit sigurado akong may kinalaman ito sa susunod nyang paghihiganti.

Haaay.. Hindi ko na yata alam kung ano ang dapat gawin dito kay Angela. Ayaw nyang aminin na may kinalaman sya sa mga nangyayari sa member ng P6. Ayaw nyang makipag usap sa akin.

“Dad, ano ba ang dapat kong gawin para mapigilan ang anak mo?”

 Naguguluhang tanong ko sa aking sarili.

ANO KAYA ANG MGA BINABALAK NI ANGELA?

BAKIT SYA PUMASOK SA TERITORYO NG ISANG KAAWAY?

MAGAWA PA KAYA SYANG PIGILAN NI PATRICK SA MGA BINABALAK NYA?

ABANGAN . . . . . . . .

=================================================

Pasensya na po, now lang nakapag update. BUSY lang ako, SUPER BUSY :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon