#chapter 34 (Second Target: Charity)

1K 12 3
                                    

+Chapter 34+

[Charity’s POV]

  “Waaaaaahhhh! Oh my God, is this true?! Are you serious??” tuwang tuwa kong tanong matapos marinig ang super good news  mula sa manager kong si Sheila.

  “Kailan ba kita biniro about dito?? Charity this is your chance!” sagot naman nya sa akin.

  Hindi talaga ako makapaniwala sa ibinalita nya sa akin. Paano ba naman kasi ang pinaka hihintay kong opportunity ay dumating na sa wakas. At the end of this month ay mag fly na ako syempre with her, para umattend sa isang prestigious night. . . . . isa lang naman ako sa magmomodel ng gawang obra ni ‘Camilla Flores’ (pinaka sikat na fashion designer sa Hollywood)

  Ilang taon ko ding pinagdarasal na sana mapansin naman ni Camilla o kahit ng team nya ang husay ko sa ramp stage, and BOOOMM . . . . sa wakas  na-grant na din ang matagal ko  ng pinapangarap. Thank you Lord :)

  “So ngayong nandyan na ang greatest dream mo, itutuloy mo na ba ang balak mo girl?” malungkot nyang tanong sa akin.

  Sumeryoso naman ako matapos marinig ang tanong nya.  “Yes Sheila, gusto ko na din kasing mag settle”

  “Sige girl, labas na muna ako” paalam nya sa akin. Naiwan akong mag isa dito sa office nya. Hay, matagal ko naman ng nasabi sa kanya iyon, pero  hindi pa din nya talaga matanggap.

  After ko kasing ma-meet si Steve last year nasabi ko tal;aga sa sarili ko na ‘SYA NA’. Lahat kasi ng attitude at gusto ko sa isang guy ay nasa kanya na. Kaya kinausap ko na si Sheila ng time na naging kami ni Steve and sinabi kong after matupad ang wish ko na, yun nga mapansin ni Camilla ay mag stop na ko sa modeling. At magstart na kong mag settle down, syempre with him.

  Matagal ko na din naman itong pinag isipan at sigurado na ako sa desisyon kong iyon. Oras na magpropose sya sa akin, hindi na ko magdadalawang isip pa. Sya lang  kasi ang nagpabago sa dating FLIRT na si Charity :)

[Aaliyah’s POV]

   “Thank you ” pasalamat ko sa trusted and reliable source ko after nyang iabot ang isang folder sa akin na naglalaman ng mga information about kay Charity. Inabutan ko sya ng cheque na may six digits.

  Pagkaalis nya ng office, binuklat ko kaagad ang folder. Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa ang mga details na nilalaman nito.

  So Charity, sino naman ang Steve na ito?? Tingin mo ba magkakaroon ka ng happily ever after with him? Tss, in your dreams >:)

[Third Person’s POV]

  “Oh guys kamusta?” tanong nya sa mga long time friends nya, na sina Enzo, Kayce pati na din ang pinsan nyang si Josh. Nandito sila sa isang Italian restaurant na naging favorite meeting place na nila after ng high school graduation.

  “We’re  fine sis, ewan ko lang dito sa kuya ko hehe” sagot naman ni Kayce.

  “Tsk, pwede ba Kayce tigilan mo ko!” medyo mainit ang ulong sagot ni Enzo.  Npatingin sya dito.

Ano naman kaya ang problema ng isang ‘to?

   “Oh Char nasaan na sya?” tanong naman ni Josh para maalis ang namumuong tensyon sa pagitan ng magkapatid.

  “Padating na yun, medyo ma-late lang may tinapos pa kasi sa office” sagot naman nya. Ngayon kasi nya pormal na ipapakilala si Steve sa mga kaibigan, naisip nya iyon matapos  sya nitong ipakilala sa mga kaibigan nito.

  “You look so serious na sis, sya na ba talaga?” medyo kinikilig na tanong ni Kayce.

  “Yes sis, I think I finally met the one :)”  she said.

  Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan habang hinihintay si Steve, minsan sumasali sa usapan nila si Josh pero itong si Enzo tahimik talaga sa isang tabi.  Kaya hindi na nya mapigilan pang magtanong.

  “Hey Enzo, bakit kanina ka pa tahimik dyan? Any problem?”  tanong ko. Tumingin lang ito sa kanya at bahagyang umiling.

  “Medyo may gumugulo lang sa isip ko” sa wakas nagsalita na din ito. Nakuha na din ni Enzo ang atensyon nila Kayce at Josh.

  “Like what kuya?” Kayce asked.

  “Look what happened to Madz and Troy, sino mag aakalang mangyayari yun. Kahit minsan walang nag attempt sa kanila na mag 2 time, then kung kailan naka-plan na yung kasal nila saka naman nagkaganoon si Madz. We knew her, matagal na natin syang kilala guys alam kong hindi sya papatol sa lalaki na yun” mahabang paliwanag nito.

  “What do you mean?” tanong naman ni Josh.

   “Maaaring may tao sa likod nito” walang pakundangang sabi nito.

  “What?? But kuya, may mga expert ng tumingin sa video and they are sure na hindi iyon edited” sagot naman ni Kayce.

  Napailing na naman si Enzo. “Alam ko yun Kayce, what I’m trying to tell is . . . - - -”

  “Oh guys I’m sorry I’m late” naputol ang sasabihin sana ni Enzo ng biglang dumating si Steve.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ang epal naman ng Steve na yun LOL!

Ano kaya ang iniisip ni Enzo? Nararamdaman nya kaya ang pagbabalik ni Angela/Aaliyah?

At anong revenge naman kaya ang gagawin ni Aaliyah sa second target nya.

ABANGAN. . . . 

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon