(Confession) #part.2

1.2K 11 0
                                    

°

°

°

Matagal ko na syang tinitignan mula sa malayo bago ko sya nagawang lapitan.

Totoong pangit sya, mula sa kanyang buhok, sa ilong, tainga, labi . . . . . pwera na lang ang singkit nyang mata. Yung mga matang yun kasi ay katulad ng isang taong kakilala ko, napaka ganda at di nakakasawang tignan.

°

°

°

Pangit ang panlabas na anyo ni Gelai pero kabaligtaran ng kanyang kalooban. Napaka buti nyang tao, positive sya sa lahat ng bagay. Kahit minsan hindi ko sya nakitaan ng lungkot para sa kanyang sarili, sabi pa nga nya maswerte pa sya at kahit na pangit lang sya ay wala syang kapansanan.

Diba nakakatuwa ang kanyang pananaw sa buhay? Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit ko sya nakasundo at kung bakit sya naging mahalaga sa akin.

°

°

°

Pero kanina nung inamin nyang may crush sya sa isa sa member ng grupo na yun, para bang may kumirot sa kaliwang dibdib ko. Kailangan ko na yatang magpa check up baka kung napapano na ako.

°

°

°

--------------------------------------------------

§***§

vote

comment

support

SALAMAT ^_^

§***§

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon