#chapter36 (2nd Target; Pissed Off)

1K 13 7
                                    

+Chapter 36+

[Aaliyah’s POV]

   Kanina pa kami magkaharap dito pero wala pa syang nasasabi, halos naubos ko na yung inorder nyang food pero wala pa din. Ayoko sana magstart ng conversation pero I have no choice, importante ang oras ko at ayokong sayangin sa maghapong pag upo dito.

  “What now?” I asked him while sipping my drinks.

  “Hmm”

  “Sa tingin ko wala ka naman talagang sasabihin, look Patrick busy ako ----….”

  “I know” putol nya sa sinasabi ko. Tinignan nya ko straight to my eyes, iniwasan kong yumuko. Ayokong mag isip sya ng kung ano kapag ginawa ko yun.

  “Then, ano ang sasabihin mo!” medyo asar kong tanong.

  “About what happened to Madeline and Troy”

  “Hmm” nag taas lang ako ng kilay. Sabi na nga ba’t tungkol dito ang pag uusapan namin.

  “Tell me,ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng iyon?”

  Nilabanan ko yung tingin nya. “Kapag ba sinabi kong wala akong kinalaman, maniniwala ka ba?”

  Hindi sya nakasagot.

  “Well, next time Patrick huwag ka ng magtanong  pwede? Nasasayang ang oras ko”

  “Please Gelai itigil mo na ang mga binabalak mo” napakunot ako ng noo sa huling sinabi nya.

  “Can you please stop calling me with that name?!” mataray kong sabi.”And isa pa, huwag mo nga akong pakialaman sa anumang gusto kong gawin.”

  Hindi na sya nakasagot sa huling sinabi ko. Nakatingin lang sya sa akin na parang kung may ano sa mukha ko. 

  “So, dahil sa naistorbo mo naman ako. Pwede ako naman ang magtanong?”  I need to know the answers to my questions na hindi ko nakita sa bookstore hays.

[Patrick’s POV]

  “So, dahil sa naistorbo mo naman ako. Pwede ako naman ang magtanong?”  medyo natigilan ako sa sinabi nya pero nakabawi din naman kaagad. Ano naman kaya ang itatanong nya?

  “Yeah, ano yun?” I answered.

   “Kanina pa ko dyan sa bookstore pero hindi ko makita yung book na hinahanap ko. So nung makita kita naalala kong walking library ka nga pala before. Hekz” medyo sarcastic nyang sabi.

  “Naalala ko yung sinabi ng mom ko before na allergy daw ako sa isang food, pero hindi ko matandaan kung ano ang nangyari sa akin that time ng nakakaen ako ng food na yun. So if ever na makakaen ako nun accidentally, ano ang maaaring mangyari sa akin? Rashes ba ganyan? O mas severe pa dun?”

  Hindi ako nakasagot agad sa tanong nya, hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot. Kundi dahil iba ang kutob ko sa biglaang pagkainteresado nya sa bagay na yun.

  “Why the sudden interest?”

  Tinaasan lang nya ko ng kilay. “ It seems ayaw mo namang sagutin. It’s okay, pwede naman ako magresearch through net.” Akmang tatayo na sya ng pigilan ko.

  “Ano ba ang pinaplano mo?”

  She rolled his eyes at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

“None of your damn business!” Then she walked palabas ng fastfood.

  Ano ba ang pinaplano mo Angela? Bakit hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata mo? Ganyan na ba talaga kalaki ang pinagbago mo? Tuluyan ka na bang sinakop ng galit mo? Tsk!

[Aaliyah’s POV]

  Tss!! I hate him! Sinayang lang nya ang oras ko. Akala ko pa naman kahit paano may malalaman akong info sa kanya. Hays, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Eh noon pa man alam ko namang kontra na sya sa lahat ng plano ko.

  I hate you Patrick! You wasted my time!!

===================================++++++++++++++++++++++++++++++++

Boring ud ba? Hmmm

Ano kaya ang plano ni Aaliyah? Bakit interested sya sa mga allergy ek ek nay an?

Makaisip kaya ng plano si Pat para mapigilan ang dating kaibigan?

ABANGAN. . . . 

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon