#chapter 42 (The Hint)

988 23 12
  • Dedicated kay Roland Dela Cruz
                                    

*Chapter 42*

[Aaliyah’s POV]

 “Look!” sabi ni Patrick after nyang  ipatong ang isang news paper sa harapan ko. Tss… Nakitang kumakain ako eeh.

“What’s that??!” I asked him without even looking at him. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng breakfast ko.

   “Read it para malaman mo!” he said.

  Napahinto ako sa pagsubo at tinignan ko sya. “You know what Patrick, maganda ang araw ko ngayon so please lang huwag kang gumawa ng eksena na ikakasira nito. Ok?” I said. Nawalan na ko ng gana kaya tumayo na ko para iwan sya.

  “So gumaganda pala ang araw mo, knowing na may nasasaktan ng dahil sayo?” I heared him said.

  Nag stop ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon sa kanya. “ You know what Pat, ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala manghimasok sa buhay ng iba. At para sa ikatatahimik mo, yes I’m happy knowing na naipaparamdam ko na ng unit unti sa kanila ang sakit na pinaramdam nila sakin noon. Satisfied?”

  “Kasama ba dyan ang pagkaka-aksidente ni Charity ha Angela? Ikaw din ba ang dahilan ng pagkakahulog nya sa hagdan kagabi? Tell me, nagpakita ka ba sa kanya? Kasama ba yan sa plano mo? Sa paghihiganti mo?”

  I was shocked ng marinig kong naaksidente pala si Charity, after nya kasi tumakbo palayo kagabi ay mabilis na din akong umalis sa lugar na iyon. Teka?? Ako ang sinisisi ni Patrick sa nangyari?? Tss!!!

  “Sabi mo nga aksidente ang nangyari right? So apparently, walang may kasalanan. And lalong wala akong kasalanan”

  After kong sabihin yun ay mabilis na kong  pumunta sa room ko. Ayoko na munang makarinig ng iba pang sermon galing sa kanya. Tsk!!!

[Patrick’s POV]

   Nararamdaman kong may kinalaman si Angela sa kung anumang nangyaring aksidente kay Charity. Nahalata ko ang pagnginig ng boses nya habang tinatanong ang tungkol doon.

  Oo, alam kong tuluyan na syang kinain ng galit nya, pero bakit ba may part pa din na nagsasabi sa akin na may paraan pa para maibalik pa ang dating sya. Kung ano man ang paraan na iyon, sana maisip ko yun kaagad habang hindi pa huli ang lahat.

[Third Person’s POV]

   Two weeks na matapos ang nangyaring aksidente kay Charity Fontanilla. Ang pagkakasira ng modeling career nya, ang break up nilang dalawa ni Steve at ang pagkakaroon ng problema ng left leg nya. Dahil sa mga sunod sunod na nangyaring insidente, she decided to go abroad.

  “Char, are you sure about this? Hindi mo naman kailangang umalis” tanong ni Josh sa kanya.

 Tinignan nya lang ito at bahagyang ngumiti. “Tell me Josh, may reason pa ba para mag stay ako dito? Coz lalo lang akong mahihirapang mag moved on kung nandito ako.” She said.

  Naupo si Josh sa sofa katabi ni Kaycee. “Hindi ka pa din ba handang  magkwento?” tanong nito.

 Wala syang pinagsabihan kung ano talaga ang nangyari bago sya maaksidente, hindi dahil sa walang nagtatanong kundi dahil sa ayaw nya talagang ipaalam.

“Josh sinabi ko na diba? Aksidente ang lahat”

   “Charity stop fooling us. Alam naming may nangyari kaya ka sa hagdan nagdaan. Sa arte mong yan, mas gugustuhin mo pang maghintay ng elevator kaysa gumamit ng stairs!” naiinis na sagot ni Enzo.

  Napabuntong hininga sya. Wala na syang maisip na idadahilan pa. Kilalang kilala na talaga sya ng mga kaibigan nya.

  “ I saw her”

  “Who??” halos sabay sabay nilang tanong.

  “Yung girl na nakita din ni Madz.”

  “What??!!” halos pasigaw na reaksyon ni Josh.

  “You heared me guys, nakita ko din ang ugly duckling. Nagpakita sya sa akin!”

  Lumapit sa kanya si Kaycee habang titig na titig naman si Josh sa kanya.

  “What do you mean nagpakita din sya sa’yo?  So you’re telling us na nagmumulto talaga si Grace?” tanong ulit ni Josh.

  “Hindi sya multo, she’s alive”

  “WHAT???” they chorused.

[Josh POV]

 Hindi Pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Charity. Yes,minsan gumagawa lang talaga sya ng kwento pero this time I’m sure na nagsasabi sya ng totoo. Halatang halata ang takot nya.

  “Tulog na sya” narinig kong sabi ni Kaycee. Naupo sya sa tabi ni Enzo. Lahat kami hindi makapaniwala sa narinig namin kanina lang.

  “Guys do you think Char and Madz are lying? I mean, we all know na patay na sya, pati yung mom nya diba nakita na din kung pano nagluksa noon. So impossible na mangyari yun.” Kaycee said.

  “So paano mo ipapaliwanag ang pagkakatugma ng kwento ni Madz and Char? Ang mga takot sa mata nila?” Enzo said.

   “Kailangan nating mag investigate” I said.

   “For what?” Kaycee asked.

  “Look Kaycee, hindi mo ba napapansin iniisa isa na nya kami. Sooner or  later maaaring ako o si

Josh na ang isusunod nya. Pwede ding ikaw.”

  “What??Bakit pati ako kuya? Hindi ako member ng P6 no. Haller”

   “ Nakalimutan mo na ba ang napakalaking participation na ginawa mo noon sa prom??”

  Nakita kong natigilan si Kaycee ng banggitin iyon ni Enzo, hindi maitatangi ang takot nito.

  “Enzo huwag mo na syang takutin”. Nilapitan ko ito at inakbayan. “Look Kaycee, everything will be alright. Don’t worry” I said.

   Ngunit sa kabila noon, hindi ko pa din talaga maialis ang pag aalala, kung totoo man ang mga inilahad nila Madz at Charity isa lang ang ibig sabihin nito. Buhay sya.

[Aaliyah’s POV]

  Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito? Bakit ba nasasaktan ako habang sinusumbatan ako kanina ni Patrick? Oo alam kong masama ako sa mata nya, oo alam kong sa mga panahong ito ako sinisisi nya sa nangyaring aksidente… Ano ba pakialam ko dun?  Diba dapat mas matuwa pa ko dahil lumalayo na talaga sya sakin. Hindi ba’t ito ang gusto ko? Hindi ba?? Hays…

  Kinuha ko ang nakatagong picture ng P6 sa kotse ko. Para bang biglaang nagliyab sa galit ang mga mata ko ng mafocus ito sa mukha ng lalaking iyon.

  Kinuha ko ang ballpen at ilang ulit kong binutas ang mukha nito.

  Nakukuha mo pa talagang ngumiti ng ganyan. Pwes tignan natin kung makuha mo pang mangiti ulit pagkatapos ng mga gagawin ko.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

  Oooopppsss. I’m back. Pasensya na kayo guys kung medyo natagalan ha? Pipilitin kong every week makapag update. Sana huwag kayong magsawa sa pagbabasa ng MSR. I love you guysss ^_^

Ngayong alam na ng ilang member ng P6 ang tungkol sa pagbabalik ni Aaliyah, ano kaya ag gagawin nilang hakbang??

Ano kaya ang gagawin ni Josh matapos malaman na maaaring buhay pa nga ang babaeng minahal nya noon.

At sino ang susunod na paghihigantihan ni Aaliyah???

ABANGAN ……….

'My Sizzling Revenge'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon