#chapter41 (2nd Target ; END!)

981 21 6
                                    

+Chapter  41+

  I can’t hide what I feel. Napaka saya ko, nagawa ko ng walang kahirap hirap ang mga plano ko. Thanks to my very BRIGHT idea >:) But I’m sorry to say this Charity, hindi pa dito natatapos ang lahat. HINDI pa dito.

  Kitang kita ko kung paano sya mawalan ng malay pagkatapos syang makipagtitigan sa akin. Isa lang ang ibig sabihin nito, malinaw pa sa kanya ang lahat ng nangyari nuon.

  Binuhat sya ng mga staff ng show papunta sa back stage. The audience are murmuring and it sounds so good to my ears :)

[Patrick’s POV]

  Damn!! Eto ba ang sinasabing plano ni Aaliyah. Ngayon mas lumiliwanag na sa isip ko na hinding hindi na talaga sya ang Angela na minahal ko. Tuluyan na nga talaga syang nilamon ng galit na nararandaman nya. Dahil ang dating Angela, kahit minsan hindi sasagi sa isipan nyang gawin ang bagay na tulad nito.

  Sino? Sino ba ang isusunod nya? TSK!! I felt so worthless, wala man lang akong magawa para pigilan sya. Eto na lang ba ang kaya kong gawin?? Ang panoorin syang tapusin ang kanyang ‘revenge’?

[Charity’s POV]

   Patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko habang pinapanuod ko sa television ang news  tungkol sa akin. Ang pag ramp ko sa stage with rashes all over my body; ang pagsigaw ko at pagkawala ng malay tao ko. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng ibang tao? Ng mga kaibigan ko? Ni Steve?? Ano n a ang mangyayari sa career ko? !!

  Ini-off ni Sheila ang tv at umupo sya sa tabi ko.

  “Sheila ano na? Ano na ang mangyayari sa akin??” tanong ko sa kanya habang hawak nya ang lkamay ko. “Hindi ako makakapagperform sa Italy kung ganito ang skin ko. Ano ang gagawin natin Sheila?”

  She looked at me and umiling sya. “I’m sorry to say this Char, pero nakarating na sa kanila ang nangyaring gulo ngayong gabi. Tinanggal ka na nila sa show”

   I was so shocked ng marinig ko yun kay Sheila. Bakit ganun? Bakit bigla bigla?? Bakit sabay sabay ang pagdating ng kamalasan sa akin? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? All my life yun lang ang bagay na pinangarap ko, at ngayong abot kamay ko na, sa isang iglap bigla na lang maglalaho???

  Biglang sumagi sa isip ko ang babaeng nakita ko sa show kanina. Ang mga mata nya, oo imposible pero bakit may isang parte sa akin na nagsasabing sya nga iyon???

  Eto na ba ang tinatawag nilang karma? Kinakarma na ba ko sa ginawa ko sa kanya noon?? Minumulto ba ko ng alaala nya para pagsisihan ko ang ginawa ko dati???

“Char, Josh is calling” sabi sa akin ni Sheila. Kinuha ko ang cellphone ko saka ko ini-off. Tumingin sya sa akin like asking ‘why I didn’t answer’.

  “I wanna be alone” sabi ko saka ako  tumayo mula sa pagkakaupo ko.

  “San ka pupunta?” she asked with full of concern in her tone.

   “Don’t worry Sheila, I’m fine” I said.

  Before ako lumabas ng dressing room sinuot ko muna yung hood ng jacket ko. Ayokong pagpyestahan ng mga reporters sa labas.

# Condo

  Dinala ako ng mga paa ko sa condominium ni Steve.  Siguro sa mga oras na ito wala pa syang alam sa mga nangyari, dahil kung alam nya I’m sure kanina pa sya tumatawag sa akin.

  Nang nasa harap na ko ng door, nagdadalawang isip ako kung mag doorbell pa ako. Baka kasi  mahimbing na syang natutulog maistorbo ko pa sya. Hay, sa mga time kasi na ganito, I need someone who can comfort me. Lalo na sa isang iglap lang ay nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. Kung sana’y nandito si Madz :/

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now