Chapter XIV

9.2K 256 30
                                    

 Dahil nagbasa ako ng works ni Ai_Tenshi, parang nainspire akong magupdate :D Kaya idededicate ko ito sa kanya. Instant fan na niya agad ako :) 

Note: Nagkaroon ng changes doon sa plot ko. Hirap na hirap kasi ako :D Bale, mahahati sa First half and second half 'tong book na 'to. Pero still, dito ko pa rin ipupublish 'yung second half ng Hello, Stranger. 'Yun lang.

* Gray

Kasalukuyang nandito ako sa harap ng tinitirahan ni Jandrix, nakatayo sa harapan ng kanilang pintuan. Sa pagkakatanda ko kasi, sinabi niya sa akin na pwede akong pumunta ng ganitong oras at ganitong araw sa kanilang bahay dahil walang tao. Ayoko namang makita ng mga magulang niya ni marinig kung ano man ang gagawin ko sa kanya. Kahit papaano naman ay nandoon pa rin 'yung matayog kong respeto sa mga magulang niya. Wala namang ginawang masama sa akin 'yung pamilya niya para kamuhian ko. 

Kumatok ako ng mga makailang beses pero walang sumasagot. Hinintay ko lang na may magbukas pero makaraan ang ilang segundo'y ni kalabog ay wala akong narinig. Kumatok ulit ako at nagsimulang maglakad-lakad sa harap ng bahay nila. Kinakabahan ako. Huminga muli ako ng malalim at isang malakas na pagkatok ang pinakawalan ko. Walang anu-ano'y iniluwa ng kanilang pintuan si Jandrix... topless at nakaboxer shorts lang. Suot suot na naman niya ang ngiting nang-aakit. 

" Alam kong dadating ka. Pasok. " kaagad akong pumasok sa bahay nila at kaagad naman niyang inilock ang pintuan. 

" So... are you ready? " bulong niya sa'kin ng may tonong pang-aakit at saka niya hinawakan ang bagay sa pagitan ng aking mga hita. Dagli naman akong napaurong.

" Anong problema? " tanong niya.

" Ayoko, Jandrix. " buong loob kong sinabi sa kanya. Mata sa mata.

" I thought... kaya ka pumunta dito is to... " pumaikot naman siya sa akin habang naglalakad at saka inilagay ang kanyang mga daliri sa aking dibdib at nilaro ito. "... make love to me. Diba? " 

" Hindi. Gusto kitang kausapin kaya ako naparito. " sa pangalawang pagkakataon, muli ko siyang iniwang nakatayo sa kinatatayuan niya ng hindi makapaniwala. 

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon