Chapter 21 - "Miss"

10.2K 326 100
                                    

"Kamusta Ezekiel?" Iyon agad ang bungad ko sa kanya sa telepono. Isang buwan ko rin siyang hindi nakita. Puro tawagan lang at message kami at hindi ko maitatanggi na namimiss ko siya. Abala siya dahil sa trabaho niya at hindi kami nagkikita. Ayokong magdemand sa kanya ng oras pero siya itong hingi ng hingi ng tawad na wala siyang panahon para makita ako.



Nakalipat na rin ako sa isang maliit na apartment. Halos dalawang buwan na ang nakalipas mula sa pag-uusap namin tungkol sa mga plano ko pero napaaga kasi nakahanap agad ako ng opening sa Manila. Isa siyang pribadong school para sa special education at exemption daw ako dahil wala ng probationary period. In need talaga sila ng guro at ginawa agad akong vice chairman ng grupo namin sa deaf and mute.




Madali akong nakakuha ng bahay dahil na rin kasama ko si Hannah. Magkasama kami sa apartment at hindi na kami hiningian ng two months advance at deposit dahil tiyahin ni Hannah ang may-ari. Walking distance lang sa school ko ang bahay namin samantalang si Hannah ay isang sakay lang ng jeep. Isang buwan na kaming nakatira sa bahay samantalang dalawang buwan na akong hindi kinikibo ni Mama. Nalulungkot ako sa parte na iyon. Simula ng magresign ako ay talagang nagalit na sa akin si Mama. Kahit anong paliwanag na gawin ko ay sarado ang isip niya. Marami pa siyang sinabi na hindi ko raw kaya mag-isa, na hindi ako magtatagumpay dahil sa pagsuway ko sa kanya at wala na raw akong modo simula ng maging malapit kami ni Ezekiel. Noon mga panahon na iyon ay sobrang lugmok ako kung hindi lang dahil sa pagsang-ayon ni Papa hindi ako makakaalis ng bahay namin. Sumang-ayon si Papa sa desisyon ko at sabi niya ay siya na raw ang bahala kay Mama. Pero kahit sinabi iyon ni Papa ay mabigat ang loob ko. Hindi ako sanay na ganito sa akin si Mama.  I just keep on praying for my Mama to finally soften her heart and also to see and understand why I need to do this for myself.



"Uy! Bakit hindi ka nagsasalita? Sobrang natuwa ka at narinig mong boses ko no?" Pagbibiro ko pa sa kanya. Lagi kasi kapag siya ang tumatawag lagi niyang sinasabi sa akin na namiss ko raw siya at halata raw sa boses ko. Pang-asar talaga siya pero totoo naman. Hindi ko lang maamin. Pero ngayon turn ko naman para biruin siya.




"Niel?" Nanlaki ang mata ko sa tawag niya sa akin at hindi lang iyon nag-iba ang boses niya. Tiningnan kong muli kung anong pangalan ng caller at Z ang nakalagay.




"Niel! Best! Si Eli 'to. Gamit ko ang phone ni kuya pinahiram sa akin. Surprise! Surprise!"



Natauhan ako ng malaman ko kung sino ang nasa kabilang linya. Si Eli. Hindi ko mapigilan mapangiti sa boses niya. Ramdam na ramdam ko ang excitement niya. Wala akong kaalam-alam na bumalik siyang Pilipinas. Well, matagal ko na kasi  siyang hindi kinakausap. Ngayon na lang. Kahit si Ezekiel ay hindi nabanggit na uuwi siyang Pilipinas.



"Magkita tayo Niel! Are you in your parent's house? I want to see you and Tita and Tito also. I miss you so much!" Napangiti ako sa sinabi ni Eli pero nalungkot ako sa huli. Hindi pa kasi ako bumabalik ng bahay simula ng umalis ako. Balita ko kay Papa ay maayos na raw si Mama pero hindi pa rin ako nakakabisita. Kaunting panahon pa siguro.





"Wala, Eli. Nandito ako sa apartment na inuupuhan ko."





"Oh good! Then give me your address so I can go there."





"Ahm sa labas na lang tayo magkita." Hindi magandang ideya na pumunta sa apartment si Eli. Maaring magkita sila ni Hannah at palagay ko ay magiging awkward ang sitwasyon. Hindi pa rin siguro ngayon. "Magkita na lang tayo sa may MOA. Okey lang ba sa'yo? Alam mo ang papunta roon?"




"Yup. You don't want me to fetch you?"




"Hindi na Eli. Malapit lang kami roon. Tawagan mo ako kung nasaan ka sa MOA at pupuntahan kita."




Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon