Chapter 25 - Borderline Bestfriend

10.1K 237 56
                                    

"Saan ba talaga tayo pupunta, Eli?" Sabado at ang aga-aga ay tinawagan niya ako. Mukhang masayang-masaya siya.

"Ikaw naman best... noon birthday mo tinakasan mo ako. Hayaan mo naman ako ngayon. Saan ka nga pala nagpunta noon birthday mo?"

"Nag-out of town." Ngumiti ako sa kanya. Sinabihan ko na rin si Ezekiel na kasama ko ang kapatid niya at okey naman iyon sa kanya. Dapat kasi ay magkikita kami ngayon at magtetrekking kasama si Jade pero hindi na ako makahindi kay Eli.

"Sino naman kasama mo?" Napatingin ako sa kanya at napaisip. Hindi pa namin nasasabi kay Eli ang relasyon namin ni Ezekiel. Sabi ni Ezekiel kung gusto ko raw ay siya na ang magsasabi pero pinigilan ko siya. Mas mabuti na sa akin na manggaling.

Nagring bigla ang phone ko at nakita ko ang caller. Si Ezekiel.

"I miss you." Iyon agad ang bungad niya sa akin. Napangiti ako at hindi ko maiwasan kiligin. Itong lalaki na ito talaga. "Saan daw ba kayo pupunta? Anong oras kayo uuwi? Pwede pa ba tayong magdinner mamaya?" Natawa ako sa sunud-sunod na tanong niya.

"Hinay-hinay lang ha. Wala akong ideya. Sasabihin ko sa'yo mamaya, okey? Sige na, mag-enjoy ka na diyan." Tumingin ako kay Eli at mukhang nakikinig siya sa akin. Hindi ako makapagsalita ng ayos. "Tawagan kita mamaya." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ito na naman siya. "Patience, take note and exercise your self-control muscle."  Kahit hindi ko siya nakikita ay naimagine ko naman siyang ngumiti at tumango. Namimiss ko na rin siya. Magdadalawang linggo na kaming hindi nagkikita. Ako na ang unang nagbaba ng telepono.

"Ang ganda ata ng ngiti mo, best. Sinong kausap mo?" Natauhan ako ng magsalita si Eli. Tiningnan ko siya at nakangiti siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na kapatid niya ang kausap ko.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon