Chapter 23 - Underneath it all (First Part)

9.7K 330 61
                                    

"Happy Birthday!" Bati niya sabay halik sa pisngi ko. Today is my birthday at gaya ng pinangako niya ay magkasama kami sa buong araw. I escaped from the school, he escaped from his job and needless to say we escaped Eli's questions.


Maaga kaming umalis ng bahay. Madaling araw pa lang. Dinala niya ako sa isang resort sa Batangas at hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng tubig at ng lugar. Kulay puti at pino ang buhangin samantalang napakalinaw ng tubig. Makikita mo talaga kung ano ang nasa ilalim.


Naupo kami sumandali sa may buhanginan. Pinagmasdan namin ang pagsikat ng araw hanggang sa lumawig ang liwanag nito at kumalat sa langit at sa dagat. Pangalawang beses ko na siyang nakakasamang panuorin ang pagsikat ng araw. Ito ang scene na tinuro niya sa akin na iappreciate. Napakaganda talaga ng umaga.



"Do you want to swim or eat first?"



"Gusto ko lang munang tumunganga." Lingon ko sa kanya.


"Whatever you say, birthday girl. Tumunganga tayo hanggan gusto mo." I smiled at him.


Huminga ako ng malalim saka nagpakawala ng hangin. Pumikit ako. Isang taon ang tinanda ko pero pakiramdam ko naman ay ang laki-laki ng tinanda ko sa daming pagbabago at pangyayari ng nakaraan taon. I am thankful for those people that were used by God that brought change in my life. Ang laking pasasalamat ko rin sa lalakeng katabi ko ngayon.



Minulat ko ang mata ko at lumingon sa kanya. Nakapikit pa rin siya. Ganitong-ganito siya kapag umaakyat kami ng bundok at naabot na namin ang peak. Maglalaan siya ng oras na mag-isa lang siya at tatahimik. Napakakalmado ng mukha niya. Inabot ko ang mukha niya at hinaplos ko ito. Kaagad siyang napamulat at tumingin sa akin.




"Anong iniisip mo kapag ginagawa mo iyon? Malimit kitang nakikitang ganoon kapag umaakyat tayo ng bundok. Gusto ko lang malaman kung ano." Hinilig pa niya ang pisngi niya sa palad ko at sinamahan pa iyon ng kamay niya. Ang init sa pakiramdam ng mukha at palad niya.




"I am thanking Him." Napangiti naman ako. I don't see him as deeply religious person and he rarely talks about his beliefs but that statement made me think it is not only by name that he knows God. "And right now I am thanking Him for you."



"You know Ezekiel you are such a lovely person." Tiningnan niya lang ako na para bang takang-taka. Nasinagan pa ng araw ang mga mata niya kaya halatang-halata ko naman ang golden specks nito. Ang ganda ng mga mata niya. "Why didn't I ever notice it before?"


"Lovely? I am far from it, Danielle." Sinabi niya sa akin na tila hindi makapaniwala. "I am better, that should be the term, not lovely. I am a long way to go to earn that compliment."


"Now it's your turn to look down at yourself." Tugon ko. Umiling siya.




"No, I don't look down at myself but the thing is the compliment that you used doesn't suit me. You can call me successful, handsome or very attractive and I wont complain..." Napairap naman ako sa sinabi niya. "But not lovely, the thing is I am still far from lovely."



"I still find you lovely, a very lovely person." Umiling ulit siya bilang di pagsang-ayon.



"I am better, Danielle. I am a better person now. That me from before is different from me today and that's what counts. It's the process of allowing myself to change and be more succeptible to change makes me a better person not a lovely one."



"I would agree with that on some part but my perception of you still stands. You are a beautiful person, Ezekiel maybe not for you but for me you are." Pinagmasdan ko siya at siya naman ay nakatitig na mabuti sa mga mata ko na para bang may hinahanap dito. "Simulan na natin ang paggamit ng birthday gift mo?" Ngumiti siya sa sinabi ko.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon