Chapter 28 - Haunting Memories

9.1K 274 39
                                    

Napatingin ako sa pinto ng may narinig akong kumatok. Napangiti ako. Alas sais palang at nandito na agad siya at sinusundo ako. Akala ko ay alas siete pa niya ako susunduin dahil may meeting siya na urgent.

Binuksan ko ang pinto at ngumiti.

"Ang aga--"  Natigilan ako. "E-eli."

"Hi." He smiled at me.

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Binibisita ang bestfriend ko...hindi ba pwede iyon?" Ngumiti ako sa sinabi niya at pinatuloy ko siya. Nabigla ako dahil hindi ko inaasahan si Eli. Bigla-bigla na lang kasi siyang sumusuot out of nowhere. Ang huling pagkikita namin ay sa bahay pa nila Mama at dalawang buwan na ang nakakalipas noon.

"Wow, your place looks neat, best. Very nice." Tumango ako sa kanya at tiningnan ko siyang mabuti. Parang may something amiss kay Eli at hindi ko malaman kung ano iyon.  "Nakabihis ka best may lakad ba kayo ni kuya?" Tumango ako sa kanya. "Good thing he has time for you. I can barely talk to him in the office."

"Do you want something--"

"I want you..." Nakangiti si Eli sa akin at hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Aalukin ko sana siya ng juice o tea. "Joke, best. Water can do." Huminga ako ng malalim. Something is not really right with Eli.

Inabutan ko siya ng tubig at naupo sa tapat na silya ng kinauupuan niya. Pinagmasdan niya ako ng umupo ako sa upuan ko. Binuksan ko ang tv dahil nararamdaman kong magiging awkward ang sitwasyon namin.

"Kamusta ka na?" Nauna na akong magsalita. Hindi ako komportable na nakikipagtitigan lang sa kanya. Kung dati ay kaya kong gawin iyon ngayon ay hindi. Malaki na talaga ang pinagbago ng relasyon namin.

"I am doing good." Inayos pa niya ang balikat niya na tila nagmamalaki. Tumango ako sa sinabi niya. "I need to do good because Zeke is leaving the country end of this year and someone has to be left behind here to oversee." Tumango ako. Alam kong mapapaaga ang alis ni Ezekiel pero ang hindi ko alam ay siya pala ang papalit sa post ng kapatid niya. Nasabi kasi sa akin ni Ezekiel na naghahanap pa siya ng succesor.

"Mabuti kung ganoon, Eli."  Ngumiti ako.

"Well, ikaw Niel, kamusta?"

"I am doing good also." Ngumiti ako ng maliit. "I am still teaching in my new school and I've been promoted as head of the department." Ngumiti si Eli ng malaki at somehow nakita ko ang hint ni Eli noon. Iyon yon smile ng lumang Eli na kilala ko. Ang Eli na  bestfriend ko na minahal ko. Pero kaagad rin iyon nawala.

"You are doing really good." Tumango ako. "And I guess your relationship with my brother is doing well also."

Tumango ako at ngumiti ng maliit. Wala na akong ibang magawa kundi iyon lang. I don't want to say much. Alam ko at ilang beses ko ng sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko kasalanan na saktan si Eli pero nalulungkot ako at pakiramdam ko ay nagiguilty pa rin ako. 

"Niel..."

"Hmm?"

"What happened to us?" Umiling ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin alam ang nangyari sa amin. He is one of treasured friends, he is my bestfriend even before I know the meaning of that word but right now I feel like we are strangers from one another.


"I miss us. I miss us chatting nonstop on skype. I miss the phonecalls in the wee hours of the morning. I miss our hangout. I miss everything. I miss you." Nakatingin lang ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Nalulungkot ako. Gusto kong ibalik ang dati. Iyon dati na magkaibigan kami at alam namin ang lahat sa isa't isa.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon