Chapter 7 - If a picture paints a thousand words

11.6K 266 44
                                    

"Pakisawsaw na rin po sa suka," sabi ni Hannah sabay ngiti sa bagong tindero ng barbeque sa plaza. Nahihiyang ginawa iyon ng lalake sabay abot ng isaw na inorder namin.

"Thanks, pogi." Inabot na ni Hannah ang isaw at nilagay sa mesa namin. Nakita kong namula ang lalakeng tindero. Mukhang nahulog din siya sa charms ni Hannah. Ganito naman lagi ang epekto ni Hannah.

"Niel!!! Kamusta na? Ang tagal mo akong hindi kinakausap ha. Ano bang nangyari sa'yo?" Pakiramdam ko ay mag-iiskandalo si Hannah sa lakas ng boses niya.

"Busy. Namundok." Kumuha na agad ako ng isaw at kaagad na sumubo.

"Sabi nga, tumawag ako sa'yo noon last weekend kasama mo raw si Zeke. Kayo na ba?" Muntikan naman akong mabilaukan sa sinabi ni Hannah.

"No! Pinilit akong sumama kasi wala raw siyang kasama."

"At pumayag ka naman?"

"Huling pagkakataon na pumayag ako."

"Hindi kayo bagay Niel. Alam mo ba ang sama ng ugali niya. Kapatid ba talaga iyon ni Eli?" Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi?"

"Natatandaan mo noon hinatid ko si Eli sa airport?" Tumango ako. Iyon ata ang araw na hindi ko makakalimutan. "Noon pauwi pinasabay ako sa kanya ni Eli pero alam mo ba ng makaalis na si Eli binigyan lang ako ni Zeke ng pera at magtaxi na lang daw ako. Ang sama ng ugali!"

Napangiti naman ako sa ginawa ni Ezekiel kahit nga tama ang sinabi ni Hannah na masama ang ugali niya.

"Ano namang sinabi mo?"

"Wala, nakatulala ako sa kasamaan niya. Siya lang ang nakagawa sa akin ng ganoon. Pinahiya ako! Kaya ikaw, Niel tigil-tigilan mo ang lalakeng 'yan. Kahit pa kapatid siya ni Eli at gwapo pa huwag na huwag mong patulan. Hindi siya bagay sa'yo."

"Wala akong balak na patulan si Ezekiel. Parang kuya ko lang 'yon."

"Good! Kasi ako talaga ang unang tututol sa pag-iibigan niyo kapag nagkataon."

Tumango na lang ako.

"So, you want the whole story, right?" Tumango na lang ako. Kanina pa kating-kati si Hannah na ikwento kung paano naging sila ni Eli. Naikwento na niya iyon noon tinawagan niya sako sa school at wala akong naintindihan dahil sa pag-iyak ko pero sa huli di pa rin ako nakaiwas sa detalye ng kwento. Kahit na ayokong marinig sa huli wala rin naman akong magagawa.

"You remember when you went to Baguio, right? Alam mo bang nagtampo ako sa inyo kasi hindi niyo ako sinama." Naalala ko naman noon time na iyon. Wala naman talaga sa balak ni Eli na isama si Hannah. Tinanong ko pa nga siya.

"Walang plano 'yun. Madalian." Sinabi ko na lang.

"It's okay. Tumawag ako sa kanya ng pauwi na ata kayo at talagang nagalit ako sa kanya. At syempre dahil super sweet si Eli nagsorry siya. Tapos niyaya niya akong lumabas kinabukasan. Date daw kami." Nangingislap pa ang mga mata ni Hannah. Tumango na lang ako.

"Ayun, kinabukasan nagdinner kami. Masaya as always pero alam mo parang may nagbago kay Eli. Parang may something eh. Hindi ko pa alam noon una pero sa huli naisip ko na ang rason kung bakit."

"Ano naman 'yon?"

"Nalulungkot siya kasi babalik na siyang Australia. Sabi niya marami raw siyang mamimiss dito. Sabi ko bakit hindi na lang siya manatili pero nakapagdesisyon na raw siya. Atsaka wala na raw kasing point na manatili siya rito." Umirap pa si Hannah na para bang inaalala ang pag-uusap nila. "Then I get the hint. Itong kababata mo, Neil ha. Pasimple pa hindi na lang sabihin ng deretso."

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon