Chapter 13 - You are beautiful

11.6K 314 99
                                    

"Kain na." Nakahain na ang sinigang sa mesa na hiniling pa niya na lutuin ko. Nakalabas na ng ospital si Ezekiel. Halos apat na araw din siya doon. Infectious Mononucleosis daw ang naging sakit niya. Viral infection daw iyon kaya self-limiting at noon ikatlong araw ay wala na siyang lagnat pero hanggang ngayon ay nanghihina pa rin siya dahil iyon daw ang epekto kapag inatake ang spleen mo.

Hinatid namin siya ni Papa sa bahay niya sa Tagaytay. Pumasok na kasi sina kuya at graduation sa school nila Mama. Sa apat na araw kasi na iyon ay ang nagbantay sa kanya ay salitan na si Mama at kuya. Hindi ako pwede dahil graduation at moving-up exercise namin sa school at ngayon araw lang ako naging libre.


Ngiting-ngiti siya ng makita ang ulam. Palagay ko naman ay magana siyang kumain dahil siguro may panlasa na siya.


"Do you have anyone here to accompany you?" Senyas ni Papa kay Ezekiel at siya naman translate ko. Umiling si Ezekiel at tumingin sa akin si Papa.


"It's okay, Tito, I can manage now," sabi ni Ezekiel at senyas ko kay Papa.


Naging tahimik ang pagkain namin ng sumunod. Napansin siguro ni Papa na hindi ako makakain kakatranslate at kakasenyas sa kanilang dalawa.


"Ang sarap. Namiss ko 'to." Napangiti ako sa sinabi ni Ezekiel.


"Kumain ka pa. Madami pang ulam."


Natapos na rin kaming kumain. Si Papa at si Ezekiel ay magkasamang naupo sa may veranda ng bahay niya. Naghugas ako ng plato at nagluto na rin ako ng ibang putahe para may ulam na siya sa susunod na araw. Nakakadagdag ng gana dahil ang ganda ng kitchen niya.


Dinalhan ko ng kape si Papa dahil ganoon iyon kapag matapos kumain. Tinanong ko si Ezekiel kanina at ayaw niya raw. Tumayo na si Ezekiel ng dumating ako.


"Ang sarap ng amoy mo. Amoy ulam." Inirapan ko na lang siya sa sinabi niya. Kung makapang-asar talaga siya. Hindi ko siya ipagluto diyan makita niya.


Naiwan na kami ni Papa sa may veranda. Tuwang-tuwa si Papa sa bahay ni Ezekiel. Ang dami raw puno at napakarelaxing. Iyon din nga ang tingin ko sa bahay niya.


"I like Ezekiel." Nagulat naman ako sa sinabi ni Papa sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. "I pity the boy when he was younger but now he matured and has grown into a man." Tumango na lang ako. Alam kaya ni Papa ang mga pinagdaanan niya? Naikwento kaya ni Tita Ruth sa kanila ni Mama?


"He has been through a lot and that made him what he is right now. A better person." Tumingin lang sa akin si Papa ng matagal at ngumiti. Natauhan na lang ako ng sinensyasan niya ako na baka nasusunog na ang niluluto ko at kaagad akong nagpuntang kusina.


...

Sinilip ko sa silid niya si Ezekiel and I found him sleeping. Matakaw siya sa tulog ngayon dahil recuperating pa ang katawan niya. Pumayat rin siya dahil dalawang linggo rin siyang maysakit at hindi siya halos nagkakain. Para kasi siyang pihikan bata kapag may sakit.


I found Papa sitting on the piano's seat. Tinapik niya pa ang bakanteng parte at doon pinaupo ako. Play. Senyas pa ni Papa.


Ngumiti ako kay Papa at nag-alangan. Naalala ko na naman noon time na pinapasubok ako ni Ezekiel na tumugtog ng piano. Try. Try again. Kusa ng sabi ng isip ko. Try. Huminga ako ng malalim. Sinenyas ko kay Papa ang tutugtugin ko. Ang favorite song niya, Pag-ibig.


Tinipa ko ang isang nota sa piano at ngumiti kay Papa. Wala akong piyesa pero saulado ko na kahit papaano ang mga nota. Pinatuloy ko na ang pagtipa ko ng piano hanggang sa matutugtog ko na ang buong kanta. I was beaming when I finished it and Papa clapped. Hindi ko alam pero para bang may sense of accomplishment ako na  naramdaman ng matugtog ko iyon ng buo at ng walang piyesang tinitingnan at walang maling nota. I even hugged Papa because of the happiness that I felt. Para akong bata pero it's been a while since I played the piano without thinking that I will commit a mistake and someone will not be so happy about it. It is the first time that I played the piano that I just play it. I enjoyed it so much.


Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon