Chapter 22 - Realization

10.4K 324 75
                                    

"What's with all the changes? Last year you were with your parents and now you live alone some more you got a new job. How the change took place?"

Sinundo ako ni Eli sa school. Namimilit na magdinner daw kami. Kaso nakapagcommit na ako kay kuya na dalawin siya sa apartment niya. Namiss ako ni kuya panigurado.

"Matagal ko ng gustong gawin iyon Eli. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob."  Nagmamaneho si Eli papunta sa lugar ni kuya. Sumama na rin siya sa lakad ko. Nabanggit rin ni Ezekiel na inimbitahan din daw siya ni kuya at hahabol daw siya.

"Matagal mo ng gustong suwayin si Tita?" Umiling ako sa kanya.

"Hindi ko gustong suwayin si Mama pero siguro it's about time na magdesisyon na ako para sa sarili ko. Kailangan kong tumayo na sa sarili kong paa."

"But then you made a big crack to your relationship... Nakausap mo na ba siya ulit? Wala ka bang balak na ayusin ang relasyon niyo ng Mama mo?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi naman sa wala akong balak pero hinahayaan ko muna ang kaunting panahon ang lumipas. Iniisip ko kasi baka kapag pinilit ko hindi rin naman maganda ang kalabasan.

"In time, Eli. May mga panahon sa lahat ng bagay."

"I doubt that. Excuse mo lang ata iyan best. Minsan kasi kailangan i-grab na natin ang pagkakataon kasi kapag nagpakatanga ka pa at mapalingon naubusan ka na ng chance at huli na."

"May oras na kailangan i-seize mo ang moment at may oras na kailangan mong tumigil sandali." Ngumiti ako kay Eli at tumingin lang siya sa akin.

"Hindi ko alam... but the thing is I learned my lesson from not grabbing my chance and own it..."

"Ano na naman 'yan pinagsasabi mo, Eli? Nagiging matalinghaga ka na ngayon."

"Well, your bestfriend changed too." Proud pa niyang salita.

"I am happy you did and I hope it is for the better."

"I hope so too. And this time I am going to use a wild card."

"Wild card?"

Ngumiti lang sa akin si Eli.

...

"Kuya!" Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay bungad ko sa kanya. Inatake ko kaagad siya ng yakap. Namiss ko ang kuya ko. Siya lang kasi ang nakikita ko sa pamilya at kapag nakikita ko si kuya somehow nagiging okey ang pakiramdam ko. Atleast in touch ako sa isa sa pamilya ko.

"Hi Mel." Narinig kong bati ni Eli kay kuya.

"Uy Eli boy! Kailan ka pa bumalik?" Nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakipagbatian si kuya kay Eli.

"Last week lang. Kamusta?"

"Ito may taning na ang buhay ko."

"Kuya?"

"Ha?"

Gulat pa namin tanong kay kuya. Anong pinagsasabi niya?

"Pinapatay mo na ako Niel eh. Ang higpit ng yakap mo. Bitawan mo na ako at nakakahiya sa mga bisita ko." Napatingin ako sa loob ng apartment ni kuya at may nakita akong dalawang babae na nakatingin rin sa amin.

Binitawan ko si kuya at ngumiti sa dalawang babae na kasama niya. Kaano-ano ni kuya kaya sila? Teka, isa ba doon ang girlfriend niya?

Pinatuloy kami ni kuya sa bahay. Kumpara sa apartment namin ni Hannah mas malaki ang kay kuya. Atsaka rent to own na rin itong unit niya.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon