Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)

10.5K 302 97
                                    

Tumingin ako sa tinakbuhan ni Jade. Napangiti ako. Mukhang masayang-masaya si Jade. Kanina pa siya tumatakbo sa malayo tapos babalik siya sa tabi ni Ezekiel na mukhang tuwang-tuwa.

Tapos na ang briefing ng guide namin sa pag-akyat ng bundok. Marami siyang sinabi tungkol sa mga kailangan namin dalhin at dapat meroon kami at palagay ko Ezekiel got it all covered. Ang alam ko lang laman ng bag ko ay ang sarili kong tent, pagkain at tubig. Meroon din daw akong first aid kit at knife.


Tumingin ako sa mga kasama namin. Meroon grupo ng tatlo na palagay ko ay  mga mountaineers na kasi mukha silang ganoon at puro lalake sila. Meroon din kami kasamang dalawang babae na iba ang lahi. Parang kalahi nga sila ni Ezekiel kasi sa accent nila. At kaming dalawa ni Ezekiel kasama si Jade.

Ayokong isipin ang banta niya sa akin na isang linggo lang at magiging boyfriend ko na siya. Hindi nga ako pumayag makipagdate kahit na ilang beses niya akong niyayakag tuwing weekdays. Ayoko. Pumayag lang ako na sumama ngayon dahil namiss ko naman ang pag-akyat ng bundok. At isa pa hindi lang kaming dalawa lang. Grupo kami. Simula kasi ng sinama niya ako ay hinahanap ko na. Meroon something sa pag-akyat ng bundok na naramdaman ko na hindi ko pa naramdaman sa ibang activity ko sa tanang buhay ko. Para kasi sa akin extreme na kasi ang mountain climbing.

"Let's go." Narinig kong bulong niya sa tenga ko at huli na para lumayo ako. Naiilang ako sa kanya kapag lumalapit siya sa akin ng sobra.

Sinundan ko siya at nagsimula na kaming maglakad. Sinusundan namin ang guide na kasama ng mga mountaineers. Sinusundan naman kami ng dalawang turista.

Si Jade naman ay naglakad lang ng una pero ng lumaon ay nangunguna siya sa amin. Nilagpasan pa niya ng guide pero after sometime babalik siya kay Ezekiel. Alam na alam na niya siguro ang amoy ng amo niya.

"Okey ka na?" Tanong ni Ezekiel. Tumango ako. Sabi kasi ng guide namin ay ipasok sa loob ng sapatos ng pantalon namin dahil ang dadaanan namin ay malinta na lugar at ginawa namin iyon ni Ezekiel dahil pareho kaming nakapantalon. Talagang binili pa niya ako ng pantalon na isusuot para ngayon at terno pa kami. Wala naman akong magawa kundi pumayag dahil binantaan niya ako na baka may malintang lugar sa pupuntahan namin.

Kinuha ni Ezekiel ang kamay ko at ayoko pa noong una pero wala na akong nagawa ang higpit ng hawak niya. Naglakad na kami sa madamong lugar. Hindi ko nga alam kung anong damo iyon kasi parang iyon yun ginagamit sa walis tambo. Mataas ang damo halos hanggang dibdib ko. Nakakatakot nga maglakad dahil baka may ahas akong maapakan matuklaw pa ako. Sinundan ko lang si Ezekiel at kumapit ako sa kanya ng mahigpit.

Natapos rin ang paglalakad namin sa matataas na damuhan at kinalas ko na agad ang kamay ko sa kanya.

"Aw man!"  Narinig kong sumigaw ang isa sa mga mukhang mountaineers at tumawa lang iyon dalawang kasama niya. Narinig ko pa siyang nagmura.

"Hayaan mo nalang yan after 20 minutes malalaglag na rin yan mga linta mo." Nagsalita ang guide namin. Tumingin ako sa lalakeng nagtatalon at medyo maraming itim na linta na nakadikit sa binti niya. Pinagtatawanan lang siya ng dalawa niyang kasama. Nakashorts kasi sila.

Lumapit ako sa kuya na inaalis ang linta. Pinaupo siya ng tour guide namin sa malaking bato at may kutsilyong dala ito.

"Try kong alisin kung gusto mo?" Tumingin lang sa akin ang lalake at tiningnan niya ako ng matagal. "Promise hindi masakit." Dagdag ko pa.

"Su-sure miss." Nag-aalinlangan pa siya na sagutin ako.

"Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" Tanong pa ng guide. Ngumiti lang ako sa kanya. Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang isa sa mga manipis na membership card.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon