Chapter 6 - Spending Time

15.1K 373 71
                                    

Mabilis kong binuksan ang gate ng bahay habang pinipigilan ko ang sarili huwag umiyak. Kanina ko pa gustong umiyak at magwala at kanina pa ako nagpipigil sa school pa lang. Pati nga ang ibang mga estudyante ko ay nahalata ata ang nararamdaman ko at may iba pang nag-approach sa akin kung 'okey' lang daw ba ako at sinasagot ko sila ng 'oo' sabay ngiti pero ilang sandali lang kapag hindi na sila nakatingin ay hindi ko na mapigilan malungkot at masaktan.

Noong umaga ay maayos pa ang pakiramdam ko. Tanggap ko na babalik na si Eli sa Australia at noong Baguio escapade na ang huli namin pagkikita. Hindi ko rin naman siya maihatid dahil hindi ako makapag-leave dahil may bisita kaming division supervisors ngayon. Tumawag ako kay Eli bago ang flight niya kasama si Tita Ruth at masaya ako ng marinig ko ang boses niya pero may narinig pa akong ibang boses sa background at pamilyar ang boses na iyon. Si Hannah.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras na iyon. Kung wala lang sana kaming bisita ay nakapag-leave ako para ihatid din si Eli. Sabi ni Eli ay okey lang daw iyon at kampante ako pero nang marinig ko ang boses ni Hannah sa kabilang linya nagkaroon ako ng napakalaking panghihinayang. I should have taken a leave of absence for Eli. Matagal na naman bago ko siya makita at gusto ko man lang mayakap ang kaibigan ko. Ang daming pumasok sa isip ko sa pag-uusap namin ni Eli. Gusto kong aminin sa kanya sa huling pagkakataon ang nararamdaman ko pero alam kong imposible rin masabi ko iyon. Nandoon si Hannah. Gustung-gusto kong aminin iyon noon nakauwi kami galing Baguio pero pakiramdam ko ay pinagtataksilan ko si Hannah. Pero kanina nang kausap ko siya gustung-gusto ko nang sabihin ang totoo. Pero walang nangyari.

Nagpaalam na ako kay Eli at sinubukan kong hindi umiyak at talagang pinigilan ko. He said, 'he loves me as always' and I answered back 'I love him too.' Those words that I really wish meant differently but no it is just a standard I love you as a friend.

Tumawag si Hannah pagkacheck-in nila Eli. Akala ko ay maririnig ko ang paos na boses ni Hannah dahil kakaiyak pero hindi. Narinig ko ang masayang boses ni Hannah sa kabilang linya. At ang bungad niya sa akin ay, "Kami na."

Hindi ako makapaniwala. Napaupo ako sa may flower box sa labas ng klasrum ko sa narinig ko kay Hannah. She was explaining how it happened but I didn't understand every word she said. Ang naintindihan ko lang ay ang sinabi niya na 'sila na' at sa minuto na iyon ang lahat ng pinigil kong luha ay tumulo. But I cried silently at kung mapapalakas ay inalalayo ko ang phone. Ayokong marinig ako ni Hannah na umiiyak at ayokong malaman niya kung bakit ako umiiyak.

Hindi ko alam na may mararamdaman pala akong ganoon kasakit sa dibdib sa dalawang salita lang na sinabi ni Hannah. At ang mga katagang iyon ay paulit-ulit sa utak ko.

Maga ng kaunti ang mata ko pag-uwi. Paunti-unti na tumutulo ang luha ko sa jeep pa lang hanggang sa makarating ako sa gate ng bahay. Paisa-isa ang tulo ng luha ko pero kaagad ko lang iyon pinupunasan.

Sinarahan ko ang gate ng bahay at nang masarahan ko ay hindi ko na mapigilan ang aking pag-iyak. Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay. Palagay ko ay wala pa sila Mama at Papa at ayokong makita nila ako ng ganito. Kaagad kong sinusian ang pinto ng bumukas ito ng kusa. Si Kuya Romel.

"Anong nangyari sa'yo?" Umiling lang ako kay Kuya. Hindi ko akalain na nasa bahay pala siya. Kaagad akong pumasok sa may sala at lalong hindi ko inaasahan ang nakita kong nakaupo sa sofa. Si Ezekiel.

Kaagad kong pinunasan ang mga mata ko na puro luha at tumango at ngumiti ng pilit sa kanya. He was just looking at me. Nilagpasan ko na siya at kaagad akong pumanhik ng hagdan papunta sa kwarto ko.

"Sinong nagpaiyak sa'yo Neil at gugulpihin ko." Narinig kong sigaw ni Kuya pero hindi na ako sumagot. Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ay nilock ko agad ang pinto at nahiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon