Chapter 10 - Twenty Four Hours

12.4K 327 67
                                    

"Danielle please meet J."

Nakangiti sa amin si J habang nasa kusina ni Ezekiel at mukhang nagluluto. Nakasando ito at nakashorts na parehong puti. Kulay blonde ang buhok niya at blue-green eyed siya. Jade. Ganito pala kaganda ang mga mata niya. Ang ganda niya sobra. Nahiya ako bigla.

"Hi, Danielle! Breakfast will be served...oops.. I mean lunch. I woke up late, sorry." Kumindat siya sa akin pero palagay ko hindi sa akin ang kindat niya kundi kay Ezekiel. "Please take your seats first. Give me two minutes."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Namumula na ang pisngi niya dahil siguro naiinitan siya. Ang ganda-ganda niya. Para bang gusto kong i-congratulate si Ezekiel para sa kanya. Hindi naman malabong magkaroon ng ganitong kagandang girlfriend si Ezekiel, gwapo siya, bagay sila.

"Maupo ka muna. Tulungan ko lang siya." Umupo na ako sa may dining area. Sinundan ko lang ng tingin si Ezekiel ng lumapit siya kay J. Sinubuan pa niya si Ezekiel ng piraso ng kung ano at kinain naman niya ito.

"Nice!" Rinig kong sabi ni Ezekiel at ngiting-ngiti si J sa kanya. They looked so beautiful together. Pakiramdam ko naman ay nainggit ako sa sweetness nilang dalawa.

Parehong naghanda sa mesa si J at Ezekiel. Nahiya nga ako dahil wala akong ginawa. Pareho na silang naupo at ngiting-ngiti pa rin si J. She was glowing. I bet she is very happy now that she is with Ezekiel.

"How are you, Danielle? I've been hearing so much about you."

"What have you heard about me?"

"I heard a lot lately from Zeke. You were always our topic."

"Ezekiel?" Umiling lang siya sa akin.

"Don't believe everything that J says, Danielle, trust me."

"Totoo naman kaya." Napangiti naman ako ng marinig kong magsalita ng Filipino si J. She sounded so adorable with that different accent.


"Tigilan mo ako, J." Hindi ko alam kung anong ginawa o hinawakan si Ezekiel kay J at bigla itong naging parang kiti-kiti na naggagalaw. Tawa ito ng tawa habang hinahagip niya ang kamay ni Ezekiel. Ang sweet nila.

Nagpatuloy na lang akong kumain ng pagkain niluto ni J. Masarap siya magluto kahit hindi ko alam ang pangalan ng kinakain ko.

"Is it good?" Narinig kong salita ni Ezekiel at nakatingin na siya sa akin ngayon. Tumango ako at ngumiti. "J here is a well-known chef in Australia."


"Wow! Really?"


"Not really. Ezekiel is just putting me into pedestal again."


"It's true...the youngest and the most beautiful renowned chef in the country."


"Ahh, you really love me." Pinasadahan pa ng daliri ni J ang mukha ni Ezekiel. Parang ayoko naman makita na ganito kaintimate itong dalawa. Mukhang excited pa rin sila sa isa't isa dahil kahapon lang ata sila nagkita. Tumungo na lang ako.


"Finish your breakfast quickly and get out of my house." Nagulat ako sa sinabi ni Ezekiel kay J. Hindi siya galit sa halip ay parang kaswal lang niyang sinabi iyon kay J.


"Aw! Abandoning me too soon? You really want to get alone with her." Naguluhan naman ako sa sinabi ni J.


"No, I am not. I'm setting your priorities J, you have a show at eleven look what time is it now?"

Kahit ako ay napatingin sa orasan. 10:30 na. Nagmadaling tumakbo si J sa loob ng guest room at siguro limang minuto lang ng lumabas na ulit siya at nakabihis na.


Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon