Always The Second Best

42.8K 564 49
                                    

Lumaki akong laging ikinukumpara sa ibang tao. Natatandaan ko pa noon nasa elementarya ako palagiang akong ikunukumpara sa kaibigan ko na si Julie ni Mama. First honor kasi si Julie at nakapasok sa National level History Quiz bee samantalang ako ay second honor lang at hanggang Division level sa Science Quiz bee. Madalas sinasabi ni Mama na hindi ko ginagawa ang best ko sa pag-aaral kahit sa palagay ko naman ay nagawa ko na ang lahat. Palagi kong ginawang mag-aral ng mabuti pero hindi ko pa rin mapantayan ang talino ni Julie. Kaya nang nagtapos ako na salutatorian lang mukhang hindi masaya si Mama. Sabi niya, 'Anak ng titser pero hindi naging valedictorian'.

Sa bahay, malimit akong ikumpara ni Mama kay Kuya Romel. Laging sinasabi ni Mama na responsible raw si Kuya, kesyo ako raw ay walang sense of responsibility. Mas masipag daw si Kuya, mas mabait at mas magaling sa gawaing bahay. Sa palagay ko ay ginawa ko naman ang lahat, gumagawa ako ng gawain bahay, sumusunod ako sa mga magulang ko at hindi matigas ang aking ulo atsaka nag-aaral din ako magluto, pero hindi iyon napapansin ni Mama. Para sa kanya 'mas' sa lahat ng bagay si Kuya. Gayunpaman, malaki ang paggalang ko kay Kuya Romel. Tinitingala ko siya bilang Kuya at malapit kami sa isa't isa. Lagi niyang sinasabi, 'Lagi naman ganyan si Mama, kahit ako ikinukumpara niya sa iba.' At ang mga sinabing iyon ni Kuya ang nagpapagaan ng loob ko at ginagawa ko na lang mantra araw-araw.

Noon nasa highschool ako ay walang kumakaibigan sa akin. Malimit akong tampulan ng tukso dahil pangit raw ako at weirdo. Malimit umiiyak ako pag-uwi ng bahay dahil sa sinasabi ng mga kaklase ko pero hindi ko na napansin iyon ng may isang taong naging kaibigan ako. Si Hannah.

Nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Hannah ng maging mag-seatmate kami. Sa bawat quarter kasi ay nagpapalit kami ng upuan at sa fourth quarter noon second year highschool namin ay nagkatabi kami.

Maingay si Hannah, madaldal at marami siyang sinasabi sa iisang bagay. Siya ang tipong sa napakaliit na pangyayari ay marami na siyang mababalita. Ganoon kadaldal si Hannah. Ang kabaligtaran ko. Malimit ay nakikinig lang ako kay Hannah dahil hindi mo siya mapipigil kapag nagsabi na siya ng opinyon. Sinasang-ayunan ko nalang lagi para hindi na humaba ang diskusyunan.

Maganda rin si Hannah. Morena ang kulay niya at mayroon siyang maitim, makintab at mahabang buhok. Puno rin ang mga labi niya at matangos ang kanyang ilong. Maaring sumali talaga si Hannah sa mga beauty contest dahil sa maganda na siya at matangkad pa. Sa bawat maituturing kong kagandahan ni Hannah ay naikukumpara ko ang aking angking kapangitan. Maputi ang aking balat na kasing putla ng bangkay samantalang ang buhok ko ay mahaba ngunit manipis na para bang walang buhay. Manipis ang mga labi ko na maputla samantalang ang ilong ko ay matangos rin naman ngunit pakiramdam ko ay napaka-awkward ng pagiging matangos niya. Mas matangkad ako kay Hannah ngunit ang pagiging matangkad ko rin ay isa sa mga kapangitan ko dahil sobra. Halos matangkaran ko na ang lahat ng kaklase ko noon higschool.

Nakuha ko na ata ang ugali ng aking ina na magkumpara. Dahil sa buong buhay ko ay lagi akong ikunukumpara sa iba kaya ganoon na rin ako. Laging pamantayan ang iba. Laging ako ang hindi ganoon kaganda, ang hindi ganoon katalino at palaging ako ang kulang at may mali.

Natatandaan ko pa isang hapon pauwi na kami ni Hannah galing eskwelahan. Dumaan kami sa isang tindahan para bumili ng school supplies at mayroon grupo ng mga lalakeng highschool students na taga ibang eskwelahan. Nauna akong pumasok ng shop at abala ang ibang estudyante sa pagtingin-tingin ng kung anong nasa loob pero napuna ko na unti-unting naglingunan sila sa lugar na kinaroroonan ko. Nagulat ako bigla dahil nagngitian sila habang nakatingin sa akin. Gusto ko rin ngumiti noon. Iyon ang unang pagkakataon may ngumiti sa akin sa unang pagkakita. Ang isa sa mga estudyante ay lumapit pa papunta sa akin. Napako ang tingin ko sa kanya dahil ang ganda ng mga mata niya at ang gwapo pa. Palapit na siya nang palapit at ng iilang pulgada na lang ang lapit niya sa akin ay ngumiti ako, kahit hindi ko alam kung tama ba ang pagngiti ko...

Pero nilagpasan niya ako.

Kay Hannah siya lumapit at hindi sa akin. Kay Hannah siya nagpakilala. Napatungo na lang ako noon. Ano nga bang iniisip ko? Malamang si Hannah ang pupuntahan at ang pagtitinginan. Hindi ako. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa loob ng shop at naghanap ng kung anu-ano. Pakiramdam ko ay may ginawa akong kahihiyan. Sino nga bang makakapansin sa akin? Malamang si Hannah ang mapapansin. Masyado lang akong assuming.

Pero walang pakialam si Hannah sa mga lalake na iyon. Mas gugustuhin niyang sumama sa akin at makipagkwentuhan. Halos sa buong highschool life namin ay laging may lumalapit kay Hannah, mga totoy na gustong manligaw sa kanya pero ang lagi niyang sagot sa kanila ay wala silang mapapala sa kanya. Tapos idudugtong pa niya, 'Ihanap mo muna ng boyfriend ang bestfriend ko at sasagutin kita.'

Sa tuwing sasabihin iyon ni Hannah ay natatawa ako. Lalo na kapag nakikita ko ang reaksyon ng mukha ng mga manliligaw niya. Mahirap na hiling iyon ni Hannah. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang katulad ko? Doon pa lang ay talo na ang manliligaw ni Hannah.

Hannah has always been my bestfriend. Kaya naman noon magkolehiyo kami ay pareho pa kami ng kursong kinuha at sa iisang unibersidad lang. Education ang aminig kurso. Magkaiba nga lang kami ng specialization. Sa kanya ay Secondary education at ako naman ay Special education.

We were always partners and never rivals. Natural na competitive si Hannah at alam ko kung saan ako lulugar. I cannot overshadow her. All I can do is to be content and let her have it all. I owe Hannah this friendship and I will not be the one that will break it.

Tanda ko pa ng unang magkatrabaho si Hannah. Siya ang kauna-unahan sa batch namin na kinuha ng isang famous school na pareho namin inaapply-an at gusto. I was so happy for her. Alam kong para sa kanya ang trabaho na iyon at ayokong makipagkompitensya. I also got the call weeks before her call from that school but I declined because I have to. For Hannah.

I get used with the idea that I can never exceed anybody or get equal with someone and I know i don't have the guts to do so. I will always be that forgetable someone, that someone who's face cannot be recognized in the crowd. I am always the second best whose story will never be told and whose name will never be heard.

Pero alam ko kahit palaging pangalawa na lang lagi ako sa tingin ng Mama ko, sa tingin ni Hannah at sa tingin ko sa sarili ko meroon pa rin isang tao na palaging una ako sa lahat ng bagay para sa kanya. The person that I always think of whenever I am sad for trying so hard to become the first but failed, my first bestfriend, my hero, Elijah.

~~~

I dedicate this to you kasi ikaw ang una kong sinabihan ng frustration ko na ito. :)) Thank's Elle.

Thank you for reading.

Always The Second BestWhere stories live. Discover now