Chapter 24 - Underneath it all (Last Part)

9K 337 67
                                    

Nagising ako ng marinig kong magbukas ang pinto. Tumingin ako sa tabi ko sa kama pero wala pa si Ezekiel. Matapos kong aminin ang nararamdam ko sa kanya ay hindi ko na maipaliwanag lalo ang kinikilos niya. Lumapit lang siya sa akin noon at niyakap ako pero matapos noon ay nagpaalam na siya na may tatawagan lang daw siya pero hanggan ngayon ay hindi pa siya bumabalik. Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko? Hindi naman kaya wala na siyang nararamdaman sa akin at huli na ang pag-amin ko? Hindi naman siguro.

"I walked outside and breathed some fresh air. Why you didn't pick up my calls?" Mahinang boses iyon ni Ezekiel at naririnig ko siya sa may veranda. Nakabalik na pala siya. At sino ang kausap niya?

"I am a calm now... calmer..." Hindi ko gustong makinig sa pag-uusap nila at ng kung sino sa kabilang linya pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko.

"I wanted to but no, she is different from anyone that I've been with. And what you are saying now is evil." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"I don't know. I know I wanted this... I wanted her badly, you know how much I wanted her but... " His voice trailed off. "No...no...no!" Lumakas ng kaunti ang boses niya. "You know me...but then she triggered something in me and with that I am not so sure. I'm...I'm..."

Tumigil na siya sa pagsasalita. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero pakiramdam ko may kaugnayan sa akin. Akala ko kapag naamin ko na ang nararamdaman ko sa kanya magiging okey na kami at magiging mas masaya pero bakit naman nalulungkot ako ngayon. Pakiramdam ko ngayon nilalapit ko ang loob ko sa kanya siya naman itong lumalayo.

"I know...but...she is so....she is...you know what I mean... I think some things are coming back again..."

Ayoko ng makinig. Kinuha ko na lang ang ear piece ko, sinuksok sa tenga ko at nakinig ng music. He's the most honest person that I know and I trust him pero bakit pakiramdam ko naman ngayon siya itong hindi nagiging honest sa akin.

...

Maaga akong nagising at nakita ko siyang natutulog pa sa may couch sa tapat ng kama namin. Malaking tao si Ezekiel at maliit lang ang couch. Mukhang sasakit ang katawan niya sa itsura ng pagtulog niya pero nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko na siya pinakialaman.

Kaagad akong nag-ayos at lumabas ng kwarto namin ng marahan. Pumunta ako sa may dagat at pasikat na ang araw. Naupo ako sa isa sa mga kahoy na upuan doon at pinagmasdan ang bukang liwayway. Maganda pa rin ang umaga at ang pagsikat ng araw pero may kakaiba ngayon. Medyo makulimlim ang langit. Para bang alanganin na sisikat ang araw o matatabunan ng ulap. Mukhang nagbabadyang umulan.

Tiningnan ko ang phone ko at marami ng message sa akin ng pagbati. Hinanap ko kung nandoon ang pangalan ni Mama pero bigo ako na makita iyon. Nakita ko ang message ni Seth at Esther. Hindi talaga pumapalya ang dalawa na iyon na iuplift ang spirit ko. Nabanggit ko kay Esther na sasagutin ko na si Ezekiel sa birthday ko at mas excited pa siya sa akin at mukhang si Seth ay sinabihan niya rin. Madaldal talaga rin itong si Esther.

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.  It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs.  Love does not delight in evil but rejoices with the truth.  It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails."Napailing  ako sa daily devotion na nabasa ko sa phone ko na para bang nagpapatama. How can I love like this kung ngayon pa lang pakiramdam ko na may tinatago na siya sa akin? I told him I trusted him...pero siya itong may hindi man lang masabi sa akin. Bakit ganoon?

Napatingin ako sa may langit ng marinig kong kumulog. Naging kulimlim na talaga ang langit at malapit nang umulan. Hindi na talaga tuluyan sumikat ang araw at ang alon sa dagat ay naging mas malaki at marahas. Lumamig at lumakas din ang ihip ng hangin. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad pabalik sa kwarto namin. Wala siya sa kwarto namin pagbalik ko. Ayoko siyang hanapin. Naligo na lang ako at tumuloy sa breakfast buffet ng hotel. Wala rin siya doon. Nakita ko ang ang bagong kasal sa kabilang table at nilapitan ako. Hinahanap si Ezekiel. Wala naman akong maisagot sa kanila at mas lalo akong nalungkot sa pagtatanong nila.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon