Bonus Chapter

16K 307 104
                                    

Sobrang hinigpitan ni Deanna ang yakap kay Jema. Naramdaman ni Jema ang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ni Deanna kaya napapikit na lang siya.

"Always together babe, until the end...." sabi ni Deanna.

"I love you always Deanna.." Bulong ni Jema.

Napapikit na din ng mata si Deanna at nagdasal.

If this is our end, I still thank you Lord for the second opportunity you gave me to be with Jema. I'm always thankful for letting me feel how it is to love and be loved in return.

Mistulang naghihintay si Deanna na makaramdam ng impact ng sasakyan.

Ngunit matapos ang halos isang minuto ay magkayakap pa rin sila. Unti-unti binukas ni Deanna ang mga mata niya at tumingin sa pinagmumulan ng malakas na liwanag. Tumambad sa kanya ang isang Hummer at bumaba mula dito ang dalawa nilang body guard. Agad lumapit ang dalawa kina Deanna at Jema.

"Ma'am, okay lang po ba kayo o gusto nyong dalhin namin kayo sa ospital?" Tanong ng isa sa mga body guard.

Natauhan naman si Deanna habang kumalas na ng yakap si Jema para makita ang kausap ni Deanna.

"Ahhh, wait lang... Buti nakasunod kayo?" Tanong ni Deanna habang pinipilit na mahimasmasan.

"Pinasusundan po kayo ng ama nyo pero ang bilin po nila ay wag kami masyadong magpahalata at lumapit, hayaan daw namin kayo. Pero nung tinawagan po kami ni Ma'am Ponggay, na bantayan kayo dahil baka may mangyari ay agad po namin kayong sinundan. Napansin din po namin na parang may problema kaya lumapit na kami. Pasensya na po Ma'am." Pagpapaliwanag ng isang body guard.

"Buti nga at sinundan nyo na kami. Nawalan ng preno ang motor. Bago naman kami umalis sa bahay chineck ko naman. Baka yung sa parking or yung kumuha ng isang helmet." Deanna said.

Hinawakan naman agad ni Jema ang kamay ni Deanna to comfort her. Nagkatinginan sila, na parang naguusap ang mga mata nila. Okay silang pareho at malayo sila sa kapahamakan.

"Teka lang, tatawagan ko si Pongs." Sabi ni Deanna sa mga body guard.

Mabilis na kinuha ni Deanna ang cellphone at dinial ang number ni Ponggay. Agad naman sumagot ang kaibigan, "Hello Deanna?".

"Pongs!!!!" Sagot ni Deanna.

"Deanns, listen, I overheard kanina si Cy na may tinawagan siya na taga Cebu. Be careful kayo ni Jema baka mapahamak kayo." Ponggay warned Deanna.

"Pongs, nawala yung isang helmet and nawalan din ng brakes yung motor ko. I think may gumalaw sa parking ng garden. Siguro nga tama na yung suspect ay si Cy. Kasi ate Bei will never hurt me." Deanna answered.

"Oh my... Deanna please... Wag na muna kayo bumalik dito. If papayag ka sa plano ko, pagmukain natin na nadisgrasya kayo then we'll do a mock wake, para mahuli lang natin." Ponggay said.

"I'll talk to Jema and our parents. Thank you Pongs. I will call you about my decision." Deanna said.

"Copy. Please take care okay?!" Ponggay said.

"Pongs? Take care of them okay?" Deanna replied.

"I will Deanns." Ponggay said then ended the call.

Pagkababa ni Deanna ng phone ay kinausap nya ang mga body guard.

"Kuya Raf, take care of the motorbike. Wait for my call kung anong gagawin dyan. Kuya Mike, pahatid muna kami sa bahay." Deanna said.

Tumango lang ang mga body guards at ginawa na nila ang utos ni Deanna.

Nilapitan naman ni Deanna si Jema and said, "Uwi na tayo baby... We have to talk about something important."

My FirstWhere stories live. Discover now