Chapter 6

12.3K 206 4
                                    


Favorite subject ni Deanna ang English. She also wants to be a writer someday. Kaya pag English yung class nila, excited sya kasi alam nyang comfort zone nya din ito.

"Please read about the biography of William Shakespeare and the introduction to Romeo ang Juliet. Pop quiz next meeting. See you all!" Sabi ni Ms. Santos bago umalis sa room.

"Naku! Sa dami naman kasi ng babasahin bakit Romeo and Juliet pa. Pwede namang Harry Potter or Nancy Drew na lang." Nagrereklamong sabi ni Ponggay.

"Nagbabasa ka din pala ng libro?" Natatawang sabi ni Deanna.

"Hoy Wong! Anong tingin mo sa akin. Best in English Lit kaya ako!" Pagmamayabang nito.

Natawa lang si Deanna habang inaayos ang mga gamit.


I heard about Shakespeare before but I think I need to learn more. Nacurious tuloy ako sa Romeo and Juliet. They said sobrang tragic daw yun. Well, I guess it's for me to find out.


"Tara na nga, check na natin result ng try-out kanina!" Aya ni Ponggay.

Naglakad na sila papunta sa BEG. Nagkwentuhan sila ni Pongs about sa mga books na binabasa nila.

"Pongs, alam mo pala yung Harry Potter?" Tanong ni Deanna.

"Uu noh, yaan mo sisikat din yun, sabi kasi gagawan daw ng film eh." Sagot ni Ponggay.

"Hindi pa nga sikat yun pero nabasa ko na hangang book 2. Wala pa akong book 3 eh." Patuloy ni Deanna.

"Eh dapat sinabi mo, meron ako sa bahay, padala ng tita ko yun galing sa states, complete ko hanggang book 4." Masayang sabi ni Ponggay.

"Ayos! Pahiram please..." Sabi ni Deanna with puppy eyes.

"Hoy Wong, wag kang magpacute. Hindi tayo talo?" Natatawang sabi ni Ponggay.

"Ha?!" Naguguluhang sabi ni Deanna.

"Never mind. Tara na. May result na, daming ng tao oh." Tinuro nito kung saan yung bulletin board then lakad mabilis.

Sinundan naman agad ni Deanna ang kaibigan.

"Yes! Pasok tayo Deans! Galing mo talaga!" Masayang sabi ni Ponggay.

Natawa lang si Deanna at hinawi pataas ang buhok then hagod sa ulo following the shape of her head. Nagiging habit nya ito everytime she feels good at nakalugay ang buhok nya.


Thank you Lord! The best ka talaga. Pero I know start pa lang ito, may round 2 pa. Bless mo ko ahh.


"Tara kain tayo!" Aya ni Deanna kay Ponggay.

"Yey! Libre mo ko Deanns ahh?" said Ponggay.

Tumango lang si Deanna at nagpunta na sila sa Cafeteria.

Pumili na sila ng gusting kainin. Pagkaupo, nagkwentuhan sila about sa round 2 ng try-outs.

"So bukas 6AM ang start ng try-out. Buti na lang 8AM pa yung first subject natin." Sabi ni Ponggay.

"So I'll see you tomorrow na sa BEG. Wag ka palate ahh. Good luck sa atin!" Sabi ni Deanna.

Nag-asaran pa sila habang pinagkwekwentuhan yung nangyari sa round 1 ng try-out.


I don't know but I am having this feeling that someone is looking at me. I'm just afraid kung sino. Pero baka paranoid lang ako.


"Deans, alis na tayo, sasabay kasi ako kay ate Therese eh baka maiwan ako." Aya ni Ponggay.

Agad naman nilang kinuha ang mga gamit at lumabas na sa cafeteria.

Nakasalubong na naman nila yung group ng mga Juniors na nakatambay nung nakaraan sa may hagdan. And this time, same feeling na parang may nakamasid sa kanya.

Deanna tried to ingnore it kaya mas nagmadali pa syang lumakad at napahabol si Ponggay.

"Hoy Deans, ambilis naman. Nakikita ko pa car ni ate. Wait." Sabi nito habang hinahabol si Deanna.

Nakakunot ang noo ni Deanna ng maabutan ni Ponggay.

"May problema ba?" Tanong ni Ponggay.

"Kasi I have this weird feeling eh." Seryosong sabi ni Deanna.

"Hoy Wong! Sinabi na sayo na di tayo talo!" Pang-aasar ni Ponggay.

"Ano ba yan Pongs. Hindi kita maintindihan. Pero kasi everytime na makakasalubong natin yung group ng Juniors na yun, I feel like... I feel like..." Sabi ni Deanna.

"You feel like what?" Atat na sabi ni Ponggay.

Silence...

"I feel like, may nakatingin sa aking pair of eyes..." Malumanay na sabi ni Deanna.

"Naku baka yung Basilisk yan!" Natatawang sabi ni Ponggay.

"Loko ka! Ano ako si Moaning Myrtle!" Natawa na din si Deanna.


Super best friend na talaga kita Pongs! You never fail to make me laugh and feel good.


Nagpaalam na si Pongs at lumakad na si Deanna pauwi ng Dorm.

My FirstWhere stories live. Discover now