Chapter 31

10.2K 227 47
                                    

Why do I have this feeling that there are some puzzle pieces na missing. I had dreams before pero I ignored it kasi lalong hindi ko naiintindihan. After the things na narinig ko tonight, I guess those weren't just dreams but maybe realities na I don't know kung ano ang nangyari. Maybe you can help me understand it more Jema. Isip ni Deanna habang kayakap si Jema.

Habang tumatagal ang yakapan nila ay mas lalong kumakalma si Deanna.

I hope this won't end. I can't explain it but your hug gives me too much comfort. Isip uli ni Deanna.

Naputol ang yakapan ni Jema at Deanna ng marinig na sumuka si Jho sa sahig. Agad na tumakbo si Jema sa tabi ni Jho at inalalayan ito. Dali naman pumasok si Deanna sa restroom at kumuha ng tissue at towel at binigay ito kay Jema.

Pinunasan naman ni Jema ang muka ni Jho at inalalayan nila ni Deanna ito para makahiga. Jema tucked Jho while Deanna started cleaning the floor.

Nang nakaidlip na si Jho tinulungan naman ni Jema si Deanna.

"Sorry ah, napaglinis ka pa tuloy." Jema said.

"It's okay. Mukang makakatulog na si ate Jho." Sagot ni Deanna.

Nang matapos na silang maglinis agad na niyaya ni Jema si Deanna na sa guest room na matulog. Medyo pagod din si Deanna kaya sumunod agad ito sa dalaga.

Binuksan ni Jema ang pinto at ilaw ng guest room at pinapasok na si Deanna.

"Sorry, isang bed lang meron tapos single pa. Sa kama ka na sa sahig na lang ako." Sabi ni Jema.

"Naku, I won't let you sleep sa floor. Ako na lang dyan. I don't mind." Tanggi ni Deanna.

"You are my guest Deanns, I won't let you sleep sa floor." Jema insists.

"Eh tabi na lang tayo." Sabay nilang sinabi.

Napangiti naman sila.

"I guess we can fit naman eh." Sabi ni Deanna.

"Are you sure?" Tanong ni Jema.

Tumango lang si Deanna.

Magkatabi na sila sa kama. Magkatalikod sila and no one is moving but both of them are wide awake.

I can't sleep, pero mukang tulog na sya kasi di na gumagalaw. Isip ni Deanna.

She turned at nakita nya na sabay sila ni Jema and then their eyes met.

Deanna felt uneasy but in a good way, and wants to hold Jema.

Jema smiled after awhile kaya narelax si Deanna.

"Can't sleep?" tanong ni Jema.

Tumango lang si Deanna.

Jema moved closer to Deanna forming a hug. Deanna's head is resting sa dibdib ni Jema while Jema started na himasin ang likod ni Deanna. After few seconds, Deanna felt that comfort and parang nawala lahat ng worries nya.

You know me Jema, I guess more that I know myself. Isip ni Deanna.

"Feeling better?" Tanong ni Jema.

"Yes, a lot better." Sagot ni Deanna.

Jema planted a kiss sa ulo ni Deanna which made the latter smile.

Deanna then hugged Jema and said, "Good night B."

And they both closed their eyes and fell into a deep sleep.





Am I dreaming? I can see myself sa harap ng bahay ni Jema. I'm wearing my old school uniform and I can see Jema wearing a jersey? Is that a volleyball jersey? Is this another dream or a flashback or an old reality? I can't believe it, pati sa panaginip magulo pa din.

I can see Jema crying.

"Deanns, please don't leave me." Pagmamakaawa ni Jema.

I was letting go of her hands na patuloy akong gustong yakapin.

"I'm sorry Jema. Hindi kita kayang ipaglaban. Maybe we're not meant to be. Maybe I'm better off alone and unloved. You deserve someone better. You deserve Maddie." Deanna responded.

"Ikaw ang mahal ko! We both love each other. Hindi mo naman ako need ipaglaban. We'll face this together." Jema continued.

"Kay Maddie ka na lang, hindi ka pa sasaktan! Tama na Jema!" Sigaw ko kay Jema.

Why am I hurting you Jema? Masakit to see you cry and to see na ako yung gumagawa nyan sayo.

I saw myself starting to cry pero mas doble pa dun ang pag-iyak ni Jema.

"Deanns please! Wag kang sumuko agad. Pag usapan natin, we'll figure this out together. Diba together?" Pagmamakaawa ni Jema.

"I love you but we're not meant to be." I told her before I ride the motorbike.

Agad kong pinaharurot ang motor habang pinilit humabol ni Jema.

"Deanna!" Sigaw ni Jema.


"Deanna?" Sabi ni Jema habang ginigising si Deanna.

Deanna opened her eyes and she's sweating na. Pinunasan ni Jema ang pawis ni Deanna habang lito pa din si Deanna.

"Bad dream?" Jema asked habang inaabutan si Deanna ng water.

Agad naman umupo si Deanna at uminom while hinihimas ni Jema ang likod nito.

"I'm sorry nagising kita." Deanna said.

"It's okay. Madalas ba ito?" Jema asked worriedly.

"Ahmm.. It's been awhile since last akong nanaginip ng ganun." Sagot ni Deanna.

"Sleep ka na para makapagpahinga ka pa." Sabi ni Jema while helping Deanna.

"Thank you pala." Sabi ni Deanna ng magkatabi na uli sila.

"No worries." Sagot ni Jema with a smile.

"It felt na parang totoo yung panaginip ko." Seryosong sabi ni Deanna.

"Wag mo na isipin yun. Matulog ka na. Need mo magpahinga." Sabi ni Jema.

Tumango lang si Deanna at pinikit na uli ang mga mata.

Nakasara mata ko but my mind can't shut down. I can still recall every part of the dream. I don't want to talk about it with Jema. Maybe ate Madds can help me. Isip ni Deanna.

Naramdaman naman ni Deanna na hinalikan sya ni Jema sa forehead and whispered, "Sleep well B."

Maya pa ay naramdaman ni Deanna na katabi ng kamay nya ang kamay ni Jema.

Deanna slowly moved her hand to intertwine with Jema's hand. It was warm and soft which made her feel at ease. Next thing, she felt Jema turned to her side. Jema rest her chin sa shoulder ni Deanna and they both fell asleep.

My FirstWhere stories live. Discover now