Chapter 37

10.3K 241 36
                                    

"Since everyone is here, let's welcome our new member. Deanna Wong." Pagpapakilala ni Cy kay Deanna sa mga club members.

Kinamayan naman si Deanna ng mga members habang nagpakilala isa isa.

Inabot naman ni Cy sa mga members ang pamphlets kung saan nakalagay ang vision and goals ng club. Nasa dulong bahagi nito ang mga activities nila for the school year.

"So guys, we're done with the first activity, which is yung club prezzi. I guess everyone enjoyed naman diba?" Tanong ni Cy.

Tumgango naman ang mga members.

"Now, susuportahan tayo ng faculty and ng school so we can join the first UNI battle of the bands. With that, I really need your help and commitment for us to build a solid playlist and makapractice na din talaga." Patuloy ni Cy.

Inabot naman ni Cy ang copies ng rules ng ng battle of the bands.

"So far, okay tayo sa requirements and ako na ang bahala dun." Patuloy ni Cy.

"It says here na 3 songs ang kakantahin sa eliminations – isang OPM, band's song choice then isang original composition." Sabi ng isang member.

"Right! Kaya as early as now, I need you guys to think and start composing a song na pwede nating kantahin. It could be anything, then we'll set a meeting para mapakinggan natin ang lahat then we'll vote." Sagot ni Cy.

Tumango lang ang mga members.

"So now, let's try to jam muna para lang makapagbonding and see what instruments we want to play. Gusto ko na din na magbonding tayo para maging panatag tayo sa isa't isa." Announce ni Cy.

Hindi naman kumilos si Deanna. Binabasa pa din nya ang papel ng lapitan sya ni Jema.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jema.

"I'm good." Sagot ni Deanna na may kasamang ngiti.

Napansin naman ni Deanna na tumabi lang si Jema sa kanya. Pero pinili nyang hindi ito kausapin. Tinuon nya ang pansin sa pagbabasa.

I'm sorry Jema, I just don't know what to say. I'm happy naman na you're there though. Isip ni Deanna.

"Jema! Dali tiruan kita mag gitara." Sabi ng isang kaclub nila.

Napansin ni Deanna na tumingin muna si Jema sa kanya but since hindi nya ito nilingon ay umalis na lang si Jema papunta sa kaclub nilang nag aya.

Napabuntong hininga si Deanna at tumingin sa gawi ni Jema.

Nagsalubong ang kilay nito ng makitang masaya si Jema habang kasama ang kaclub nila.

"Selos ka?" Tanong ni Cy.

Nagulat si Deanna at napatingin kay Cy.

"Hin.. Hindi... Hindi Ahhh!" Tanggi ni Deanna.

Napangiti lang si Cy.

"Sabi mo eh!" may halong pang aasar sa boses ni Cy.

Inabot na lang ni Cy ang drum sticks kay Deanna. Napatingin naman si Deanna kay Cy.

"Just try it... Wala namang mawawala..." Sabi ni Cy.

Inabot naman ni Deanna ang drum stick.

It feels a bit odd kasi bakit parang my hand knows how to handle this. Isip ni Deanna habang naglalakad palapit sa drum set.

Ngumiti naman si Cy habang umupo si Deanna.

Nag try si Deanna na mahinang paluin ang snares. Hangang sa lumakas ito dahil nakakaramdam na ito ng confidence. She tried creating a beat kasama ang hi-hat. She tried to create a beat with 4 counts.

My FirstWhere stories live. Discover now