Chapter 38

10.2K 269 41
                                    

Inayos ni Deanna ang sarili at umupo habang nakasandal ang likod niya sa headboard ng kama. Inalalayan naman siya ni Maddie at umupo na din sa kama kaharap nya.

"How are you feeling?" Tanong ni Maddie.

"I'm okay ate Mads." Sagot ni Deanna.

Gumanti lang ng ngiti si Maddie.

"Ate Mads, sobrang gulong gulo na ako sa mga nalalaman ko. Idagdag mo pa yung mga panaginip ko. I wanted to know the truth but something inside me is holding me back too. I know this sounds crazy pero, I want to know if pag nalaman ko ba yung past, would it do me any good?" Salaysay ni Deanna.

"This must be so hard for you Deanns, pero you need to be strong and make up your mind. I am willing to tell you what I know. But at the end of the day, kahit ano pa sabihin ng iba sayo, you will determine how you want things to be done in the future." Sabi naman ni Maddie.

"Pongs have been helping me out pero she doesn't know anything about my past. Jema and I tried to talk about it pero nakita mo naman yung result diba, andito ako ngayon and I know nagworry kayong lahat." Nahihiyang sabi ni Deanna.

"Nagmamadali ka bang malaman ang every detail or you want to take things one at a time? Kasi Deanna, para maintindihan mo yung present, you need to know the past. I just hope na this time, you won't run away from difficult conversations." Sabi ni Maddie.

"I don't know ate Mads. I really want to take things slow. Pero parang yung mga pagkakataon na mismo yung nagpapaalala or nagbibigay ng dahilan para gustuhin kong makalaya sa nakaraan." Sagot ni Deanna.

Maddie just answered with a half smile.

Few moments of silence.

"Ate Mads, I really like you. Andyan ka lagi for me and I appreciate that. Sana maging masaya ka with ate Bei..." Mahinang sabi ni Deanna.

"Oh eh bakit para kang malungkot?" Tanong ni Maddie.

"Baka lang kasi mawalan ka ng time for me..." Sabi ni Deanna pero di ito makatingin kay Maddie.

"Look..." Sabi ni Maddie habang tinaas ang chin ni Deanna for their eyes to meet.

"I will always be there for you Deanns. I promise! We've been good friends before and I'm sure babalik din yun." Lahad ni Maddie habang nakangiti.

Napangiti na lang din si Deanna.

"Ate Mads, mali ba na magkagusto ako sa girls?" Tanong ni Deanna.

"Hey! I can't argue if you are referring to it based sa religion. Pero I know that we should love who we want to love as long as wala tayong natatapakang ibang tao." Sagot ni Maddie.

"Matagal mo na bang alam na girls din gusto mo?" Tanong ni Deanna.

"Well, I was in denial at first. Lahat naman ata nagsisimula sa ganun eh. I tried to divert my attention too and do a lot of stuff para lang malimutan ko. Pero iba kasi talaga pag ang puso na ang nagpasya." Sagot ni Maddie.

"Yung first love ko, pilit kong kinalimutan. Pero sadyang we can't unlove a person. I did terrible things Deanns, just to fight for that love. Kahit na alam kong umpisa pa lang talo na ako. I was the worst person that time and pinagsisisihan ko lahat yun kasi at the end of it, pinakanasaktan yung mahal ko. Swerte na lang siguro ako at napatawad nya pa din ako and kahit papaano magkaibigan pa din kami." Kwento ni Maddie.

"Napakabait naman ng first love mo ate Mads. Kilala ko ba?" Tanong ni Deanna.

Napangiti si Maddie.

My FirstTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang