Chapter 48

9K 204 19
                                    

Nakaupo si Deanna sa kama nya sa loob ng kwarto nya habang nagbabasa ng libro.

Naputol ang concentration ni Deanna ng may kumatok sa pinto.

"Nak! Tumawag si Jema. Baba ka muna at sagutin ang telepono." Sabi ng mama ni Deanna.

"Alright, thanks Ma!" Sabi ni Deanna at excited nyang nilapag ang libro at lumabas sa kwarto.

Pagkadating nya sa sala ay agad nyang inangat ang telepono.

"Hello? Jema?" Bati ni Deanna.

"Deanna! I miss you!" Masayang sagot ni Jema.

"Buti napatawag ka? Kamusta?" Sabi ni Deanna.

"Syempre miss na kita! Okay naman ako." Jema replied.

"Eh nakakaisang buwan ka pa lang dyan ah. Pero sabagay miss din naman kita eh." sabi ni Deanna.

"Kailan ka ba pupunta dito?" Tanong ni Jema.

"Next month, sasama ako kay papa. Magkikita na uli tayo." Masayang sagot ni Deanna.

"Yehey! Can't wait to see you. Kasi naman magsstart napuspusang training sa volleyball kaya malabo na akong makauwi dyan." Jema said.

"I understand naman. Don't worry I will try my best na sumama kay papa para makapunta ako dyan as often as I can. Nga pala, kamusta naman feeling maging part ng Ateneo Volleyball team?" Tanong ni Deanna.

"Sobrang saya! Kaya galingan mo dyan para makasunod ka dito. Pag pumunta ka dito papakilala kita sakanila. Ang babait nila lalo ni ate Den and ate Aly." Kwento ni Jema.

"Wow, so friends mo na pala sila. Excited na ako mameet sila!" sagot ni Deanna.

"Nga pala Deanns, si Jho, yung nakasama kong maglaro before, kateam ko na din sya ngayon. Super bati pa din nya. Buti na lang may madalas akong nakakausap." Sabi ni Jema.

"Ahh si ate Jho... Naku magaling din yun ahh. Namiss ko tuloy makipaglaro sa inyo. Hayaan mo, susunod na ako dyan." Masayang sabi ni Deanna.

"Oo, kinakamusta ka nga ni Jho eh." Sagot ni Jema.

"Nga pala, tumawag nung isang araw si ate Maddie, tinanong nya saan ka daw nagenrol, kaya sinabi kong nakapasok ka sa Ateneo. Sabi nya nag iisip na din daw siya ng school na papasukan next school year eh. Magtatransfer daw siya." Kwento ni Deanna.

"Ahh ganun ba. Kamusta na daw sya?" Tanong ni Jema.

"Okay naman daw, namimiss na din daw nya tayo. Sabi nya, pinayagan naman daw siya mag transfer kung saan nya gusto kaya pinili nyang makasama tayo. Sabi ko pwede naman siya sumunod sayo then ako after.." Pahayag ni Deanna.

"Balitaan mo ako pag tumawag uli si Maddie ah? Mag-ingat ka dyan. Have to go na eh, may need pa ako ayusin." Paalam ni Jema.

"Ikaw din mag-ingat ka. I love you..." Mahinang sabi ni Deanna.

"Ano?" Tanong ni Jema.

"Wala! Sabi ko lang ingat sila sayo. Lakas mo kaya!" Biro ni Deanna at binaba na ang telephone after nilang magtawanan.


"Deanns? Deanns?!" sabi ni Ponggay habang ginigising si Deanna.

Naalimpungatan naman si Deanna at napatingin kay Ponggay.

"Oh andito ka na pala.." Sabi ni Deanna.

"Kakarating ko lang din. Kumain kami nila ate Jia eh. Ginising kita kasi ang weird mo eh. Parang kang tumatawa na ewan. Ano ba napaginipan mo?" Tanong ni Ponggay.

My FirstWhere stories live. Discover now