Chapter 20

11.4K 251 36
                                    

"Deanns?" Pabulong na tawag ni Ponggay kay Deanna.

Nilingon naman ito ni Deanna.

"May assignment ka ba? Nabasa mo ba biography ni Shakespeare?" Tanong nito.

"I know little Pongs, but I have a book." Sagot ni Deanna habang bahagyang inangat ang libro.

Tumango lang si Ponggay.

"Good morning class! I just want to remind you that this afternoon, suspended ang classes because everyone is required to attend the club presentation program." Panimula ni Ms. Santos.

Nagkatinginan naman si Deanna at Ponggay.

"Everyone is required to sign-up to at least 1 club and maximum of 3 clubs. Kaya ngayon pa lang think about your hobbies and consider your talents." Patuloy nito.

"I just hope na iconsider nyo ang Theatre and Arts club. I am their current adviser and their president Ms. Galanza prepared well for this year and so it's going to be fun." Hikayat ng guro.

Napangiti naman si Deanna ng marinig ang tungkol sa presidente ng club.

"Deanns? May naiisip ka na ba na club?" Tanong ni Ponggay.

"Wala pa eh." Umiiling na sagot ni Deanna.

"Mag Theatre and Arts na lang tayo!" Aya ni Ponggay.

"Ayoko nga hindi naman ako marunong mag act or something." Nakasimangot na sagot ni Deanna.

"Ms. Santos? Can I ask something po?" Tanong ni Ponggay sa guro.

"Yes, Ms. Gaston?" Sagot ni Ms. Santos.

"Is it plain acting lang po ba sa Theatre and Arts Club?" Tanong ni Ponggay.

"Well, good thing na hindi. Hindi lang actors ang members, may photographers, videographers, composers and writers. Alam nyo best na maiiexplain yan mamaya ng mga members." Sagot ni Ms. Santos.

"Thanks po Ms. Santos. Check na lang po namin yung details mamaya." Tugon ni Ponggay.

"Try natin yun Deanns!" Aya ni Ponggay kay Deanna.

"Basta isa lang ahh kasi ayaw ko ng maraming iniisip eh." Sagot ni Deanna.

Tumango lang si Ponggay.

"Alright class, sino na ang may libro ng Romeo and Juliet?" Tanong ni Ms. Santos sa class nya.

Nagtaas naman ng kamay ang may mga libro.

"Since konti lang ang meron. Ipagpaliban muna natin ang pagdiscuss sa mismong kwento, pero pag-usapan natin si W. Shakespeare." Patuloy ni Ms. Santos.

Nagtanong ng ilang katanungan si Ms. Santos pero walang sumasagot kundi si Deanna dahil nababasa nya ito mula sa notebook na pinahiram ni Jema.

Napapangiti naman si Deanna. Sa tuwing tinitingnan nya ang notes ni Jema dahil ang organize nito.

Ganda naman ng handwriting mo Jema. You actually saved me sa recitation na to.

Nakangiti lang si Deanna habang tinititigan ang notebook ni Jema na nakalapag sa desk nya.

"Hoy Wong! Sabi mo you know little, eh halos ikaw na sumagot sa lahat ng tanong ni Ms. Santos eh! At bakit ngingiti ngiti ka dyan??!" Bulalas ni Ponggay pagkadismiss ng class.

Masyadong focus si Deanna sa iniisip nya na di nya napapansin si Ponggay.

"Huy! Deanns! Ano na?!" Sigaw ni Ponggay.

My FirstWhere stories live. Discover now